HINDI ko alam kung tama ba ang maging masaya sa narinig ko o hindi pero parang mas nanaig sa akin ang kasiyahan ng marinig ko ang sinabi niyang iyon. Idagdag pa na sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon dahil unang-una ay alam ko naman na hindi ako ang lalaking mahal niya kaya hindi ko maiwasang hindi magtaka.“Pero, hindi mo kailangang gawin ito. It’s okay.” sabi ko, dahil baka mamaya ay labag na labag iyon sa loob niya na gawin. Hindi ko naman maatim na gawin iyon sa kaniya.Bumuntong hininga siya. “It’s okay. Tyaka isa pa, its my duty as your wife. Hindi naman siguro sa mata ng iba kung sa ibang babae pa hindi ba? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung sakali.”Tumingin sa akin at nang magsalubong ang aming mga mata ay halos makalimutan ko ang aking pag-aalinlangan. Sobra-sobra ang ginagawa kong pagpipigil sa totoo lang na huwag siyang hawakan at ikulong sa aking mga bisig. Pero ngayon na siya na mismo ang nagsabi na pwede pala ay kailangan ko pa bang pigila
최신 업데이트 : 2025-10-29 더 보기