ATHY’S P.O.VNAGULAT ako nang yakapin ako ni Marcus ngunit mas nagulat ako nang bigla ko na lang marinig ang kanyang paghikbi, hindi ko akalain na iiyak siya sa harapan ko dahil sa totoo lang, he look mighty and no emotions. Pero sa mga oras na ito ay ramdam na ramdam ko ang kanyang emosyon, hindi.Mas nagulat pa ako nang marinig ko ang mga sinabi niya. Parang isang panaginip, parang hindi totoo. Napakagat-labi ako, nang marinig ko ang mga iyon ay muli na namang rumagasa ang aking emosyon. Halo-halong lungkot at saya, hindi ko ma-explain.“Athy please… don’t leave me…” nagmamakaawa ang tinig niyang sabi. “I promise I won’t let anyone hurt you again…” dagdag pa niyang sabi sa akin. Hindi ako makasagot dahil gulat pa rin ako.“Alam kong… alam kong hindi ko mapapantayan si Matt sa puso mo pero gusto kong subukan. Handa akong maghintay kahit na gaano pa katagal basta huwag ka lang umalis okay? Kahit na gaano pa katagal maghihintay ako hanggang sa makalimutan mo siya…” muling humigpit ang
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-10 อ่านเพิ่มเติม