Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang lamig ng hangin sa paligid o ang titig ni Sebastian na parang kayang sunugin kahit ang mga lihim kong pinipilit itago.“Sebastian…” mahina kong tawag, pero bago pa ako makapagsalita pa ulit, lumapit na siya.Mabigat ang bawat hakbang niya, at bago ko pa tuluyang maintindihan ang nangyayari, mahigpit na niyang hinawakan ang braso ko, ngunit ramdam ko pa rin ang pag iingat niya roon.“Let’s go,” malamig niyang sabi.“Wait—”Hindi siya nakinig. Hinila niya ako papunta sa kotse kaya wala na akong nagawa. Tahimik lang kaming dalawa, walang imikan, habang bumabagtas sa dilim ng kalsada. Tanging ugong lang ng makina at ang mahinang paghinga namin ang maririnig. Hindi ko alam kung galit ba siya, nag-aalala, o pareho.What is the meaning of this? Paano niya nalaman kung nasaan ako? Don’t tell me siya iyong kausap ko sa text?Pagdating namin sa mansion, agad siyang bumaba. Sinundan ko siya hanggang sa loob, at nang maisara niya ang pinto, saka lan
Last Updated : 2025-11-07 Read more