Ang gabi ay parang duguang tabing na nakalambitin sa labas ng ospital. Sa bawat paghampas ng hangin sa bintana, parang may boses na nagbabadya ng panganib—mga bulong na matagal nang nakatago sa dilim ng Black Empire.At sa loob ng ICU hallway, nakaupo si Mariel, yakap ang sarili, nanginginig—hindi sa lamig, kundi sa takot na baka hindi na magising ang lalaking minahal niya nang sobra, nang walang preno, nang walang safety net.Si Billie. Her Billie.Nasa loob ito ng operating room, tinatalo ang isang kalaban na hindi niya nakikita—isang sabotaheng bumugso sa loob ng kanyang utak, pinasiklab ng Shadow Code.At sa puntong iyon, tahimik na bumukas ang elevator.
Last Updated : 2025-11-28 Read more