Ang araw ay sumisilip sa pagitan ng mga ulap, tila isang matagal na tag-init na muling bumabalik matapos ang mahabang bagyo. Sa baybayin ng Sai Kung, kung saan minsan nagtatago ang mga rebel facility ng Black Industries, ngayon ay may maliit na research center — malinis, tahimik, at puno ng mga halaman.Ang bagong signage sa gate ay simple lang: The Lazarus Initiative — Life. Hope. Renewal.Sa loob, si Mariel ay abala sa pagtatanim ng mga bagong specimen ng bioflora sa greenhouse. Hindi na siya nakasuot ng corporate uniform; naka-white shirt at jeans lang siya, nakalugay ang buhok, may bahid ng araw sa kanyang balat. Tahimik lang siya, habang pinagmamasdan ang paglaki ng isang bagong uri ng plant culture na binuo nila mula sa lumang DNA archives ni Vicky.“Too much sunlight,” sabi ng isang pamilyar na boses sa likod. Paglingon niya, naroon si Billie, nakasuot ng simpleng black jacket, hawak ang tablet na may bagong blueprint. May bakas pa rin ng pilat sa mukha, pero sa unang pagka
Last Updated : 2025-10-29 Read more