MAYABigla akong niyakap nila Tina at Lea. At mas lalo akong humagulgol. Tahimik lang sila at hinayaan akong maka-release. Nung nakahinga-hinga na ako, tinanong ako ni Lea. At sinabi ko rin naman sa kanila lahat at ‘yung bigat na dinadala ko.“Sobrang nagu-guilty ako. Hindi ko na kayang lokohin si Renzo…”“Then sabihin mo na sa kanya lahat. Sabihin mo na ‘yung totoo.”“Natatakot ako…”“Oo, mahirap. Pero kailangan mo. Mali kasi ‘to, Maya eh. Yung relationship niyo, built on lies. Hindi kalooban ng Lord. Hindi ito tama.”“Pero ‘pag sinabi ko ang totoo…”“Kapag sinabi mo ang totoo, choice naman niya yun. Kung makikipaghiwalay ba siya o patatawarin ka at tatanggapin. At least may choice siya. Kasi ngayon, parang tinatanggal mo yung kalayaan niyang pumili. Sorry, Maya, sa mga sinasabi ko, pero ito ang tama.”Hinawakan niya yung kamay ko at patuloy akong pinaliwanagan. “Naiintindihan ko yung reasons mo. Alam kong galit ka para kay Tita Imelda. At sa iba pa. Pero hindi ito ang paraan.”“Pe
Last Updated : 2025-11-03 Read more