MAYASobrang nakaka-tempt i-send. Buti nalang may distraction. “Maria, may time ka?”Tumingin ako.Si Ton. Nakatayo siya sa may desk ko, nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pants niya at nakangiti sa akin.“Mr. Zamora,” sabi ko, sabay tayo. “May kailangan po ba kayo?”“Drop the ‘sir’,” sabi niya at lumapit sa akin. “Ilang beses ko na sinabi sayo, Ton nalang. We’re colleagues, di ba?”“Sure, Ton,” ngiti ko, kahit napipilitan lang ako. Kunwari confident. “Anong meron?”“Actually,” sabi niya at medyo bumaba ang boses niya. “Gusto kita tanungin kung free ka ngayong gabi.”Parang lumukso yung puso ko.“Ngayong gabi?”“Yeah.” Ngumiti siya. “You know, we’re working together. Just drinks. Casual. No pressure.”Ah. Parang kung paano ko inalok si Renzo kanina. Napatingin ako sa pinto. Bago pumasok si Ton, kalalabas lang ni Renzo. Ayain ko rin kaya siya? Baka pumayag siya kapag kasama si Ton. Kaya lang, baka hindi rin. Sobrang rejection na yung naranasan ko. As Maya at Maria Ysabel.“Maria
Huling Na-update : 2025-11-10 Magbasa pa