MAYA Pumunta ako sa office ni Sir Patrick. Nasa computer siya no’ng time na ‘yun, nag-che-check siguro ng mga mails. Masyado siyang busy na hindi niya napansin ang pagpasok ko. Kumatok ako sa door frame.“Sir, pwede ko po ba kayo makausap?”Tumingin siya sa akin. “Oh, Maya. Tara pasok ka.”Pumasok naman ako sa office. Kumakabog ang dibdib ko pero poker face ang mukha ko. Nagpapaka-professional. “Sir, ‘yung tungkol sa Alcantara Holdings audit…”“Ah, hawak na ni Jenny,” sagot niya, hindi man lang tumingin sa akin at bumalik sa screen. “Sinimulan na niya. First meeting niya sa CFO nila next week.”“Sir, request ko sana kung pwede pong ako nalang ulit.”Huminto siya mag-type at tumingin sa akin. “Bakit?”“Tingin ko po mas better kung ako ang hahawak, sir.”“Maya, senior editor si Jenny. Mas may experience siya sa’yo. Mas matagal din siya sa firm. Mas gamay niya ang trabaho. Buti nga pumayag siya nung inalok sa kanya ‘yun.”“Naiintindihan ko po, sir. Pero…” Huminga ako ng malalim. “Con
Last Updated : 2025-10-28 Read more