Tahimik ang kwarto.Hindi iyong tahimik na payapa—kundi iyong klase ng katahimikang may kumakalam na ingay sa loob ng ulo. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, hindi pa rin tuluyang humuhupa ang bigat ng nangyari kagabi. Ang ilaw mula sa bintana ay bahagyang tumatama sa gilid ng dingding, at sa bawat pagkurap ko, bumabalik ang eksena.Ang kamay ni Troy sa baywang ko.Ang gulat sa mga mata niya.Ang labi naming nagtagpo—hindi planado, hindi rin ganap na aksidente.Isang segundo.Isang maling hakbang.Isang simula.“Astra.”Boses ni Valeria sa comms. Kalmado, as always. Walang halong emosyon, pero ramdam kong alerto siya.“Gising ka na ba,” dugtong niya, parang hindi tanong kundi obserbasyon.“Hindi naman ako nakatulog,” sagot ko, mababa ang boses. “At huwag mo akong tawaging Astra ngayon.”May sandaling katahimikan.“Okay,” sabi niya. “Emie.”Napapikit ako. Parang mas mabigat pakinggan ang tunay kong pangalan kapag binibigkas sa ganitong sandali.“What you did was good,” sabi ni
Last Updated : 2025-12-22 Read more