Tahimik ang paligid ng dining area, pero ang katahimikan ay hindi mapayapa. Mabigat ito. Parang bawat kutsarang gumagalaw, bawat basong bahagyang tumatama sa mesa, ay may kasamang hindi sinasabing tanong.Tumayo si Troy.Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin.“Before we continue,” sabi niya, malinaw ang boses pero may bahid ng tensyon, “I think it’s only right that I introduce Astra properly.”Napako ang tingin ko sa kanya.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mismong sandaling ito, o ang paraan ng pagpapakilala niya na hindi naman sana kailangan pa.“Everyone,” sabi ni Troy, humarap sa mesa kung saan nakaupo ang buong pamilya ko, “this is Astra Vale.”Huminto siya sandali.“At sila," saglit siyang huminto, "ang pamilya ng namatay kong asawa.”Parang may biglang sumabog sa loob ng ulo ko.Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi huminga.Pamilya ng namatay niyang asawa.Wala man lang binanggit na pangalan.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang bahagyang pagtango ni Ku
Huling Na-update : 2025-12-18 Magbasa pa