Kaagad akong pumunta sa hideout.Hindi na ako dumaan sa apartment. Hindi na ako nagpalit ng damit.Diretso.Parang may humihila sa akin mula sa loob, isang instinct na sumisigaw na hindi ito simpleng imbitasyon.Private dinner.Sa mundo ni Heidi, walang salitang “casual.”Lahat ay may ibig sabihin. Lahat ay may kapalit.Pagbukas pa lang ng pinto ng hideout, sinalubong na ako ng mabibigat na mukha nina Charm at Rafael.Hindi na kailangan ng paliwanag.Alam na nila.“Ito na,” sabi ni Charm.Tumango ako.“Inaasahan naming sa mansyon niya gaganapin,” dagdag ni Rafael.“Ganoon din ang hinala ko,” sagot ko.Lumapit ako sa gitnang mesa kung saan naka-project ang isang malawak na hologram.Blueprint ng mansyon ni Heidi Arizcon.O mas tama…Ang bersyon ng mansyon na alam ng publiko.Napahinto ako.“Hindi ito kumpleto,” sabi ko.Tumango si Rafael.“Matagal na naming alam,” sagot niya. “Ito ang lumang blueprint na isinumite sa city records.”“Meaning?” tanong ko.“Meaning,” sabi ni Charm, “may m
최신 업데이트 : 2026-01-30 더 보기