Umuwi ako gaya ng sinabi niya, pero hindi para magpahinga.Umuwi ako para maghanda.Pagpasok ko sa apartment, agad kong isinara ang pinto at siniguradong naka-double lock. Ibinaba ko ang mga blinds. Pinatay ko ang main lights at iniwan lang ang desk lamp na nakatutok sa mesa ko.Tahimik ang paligid.Pero sa loob ko, napakaraming ingay."Charm..." kaagad kong sabi nang makaupo.“Online,” sabi ni Charm matapos ang ilang segundo.“Present,” kasunod ni Rafael, mas mababa ang boses, mas kontrolado.Huminga ako nang malalim.“Kinausap ako ni Gio kanina,” panimula ko. “Ililipat ako sa core team ni Heidi.”Tahimik sila sandali.“Expected,” sabi ni Rafael. “After ng press con at shutdown narrative, logical na kunin ka niya.”“Mas malapit ka na sa main server,” dagdag ni Charm.Napatingin ako sa mesa kung saan nakalatag ang tablet ko.“Review natin lahat,” sabi ko. “Ayokong may makalimutan.”Agad na nag-activate ang shared feed. Lumitaw sa screen ang mga kuha ng contact lens ko sa mga nakaraang
최신 업데이트 : 2026-02-15 더 보기