Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.Hindi alarm. Hindi rin mensahe. Kundi isang tawag.Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko. Ramdam ko pa ang pagod ng katawan ko mula sa mga nagdaang araw na puro tensyon, puro plano, puro pag-iingat. Pero sa mismong sandaling nakita ko ang pangalan sa screen, tuluyang nawala ang antok ko.Si Heidi.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong sistema ko.Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag.“Hello?” sabi ko, pilit pinapantay ang boses.“Ngayon na gaganapin ang test mo,” sabi ni Heidi sa kabilang linya.Walang paligoy-ligoy. Walang good morning. Walang tanong kung handa ba ako.Isang utos.Isang deklarasyon.Parang matagal na niya itong napagdesisyunan at hindi na niya kailangan ng pahintulot ko.“Ngayon na?” tanong ko, kunwari ay nagulat.“Yes,” sagot niya. “Be ready. Ipapasundo kita kay Gio.”Napatingin ako sa kisame.Ito na.Ang unang hakbang para mas makuha pa ang tiwala ng mga halimaw.“Understood,” sagot ko.Pinatay niya ang t
최신 업데이트 : 2026-02-02 더 보기