Masaya kami ni Asher na nagcelebrate. Kaming dalawa lang dahil gusto naming masolo na muna ang isa’t isa pagkatapos ng nakakadrain na araw. Idinikit ko sa wine glass niya ang wine glass ko saka siya nginitian.“Cheers,” mapaglaro kong wika. Hinapit naman ni Asher ang bewang ko kaya dikit na dikit na ang mga katawan namin. Pinadaan ko ang hintuturo ko sa dibdib niya saka siya tiningnan sa mga mata.“Pagkatapos ng lahat ng ‘to, bakit hindi na lang tayo tumakas at magpakalayo. Natatakot akong paglayuin tayo ni Chairman kapag nalaman niya ang tungkol sa ating dalawa.” Wika ko. Gusto ko na lang bumuo kami ng pamilya namin ni Asher pero hanggang kailan kami magtatago? Wala namang lihim na hindi nabubunyag.“Hindi ko gagawin yun sayo. Hindi ko hahayaan na itago ka lang, Claire. Kapag naging maayos na ang lahat,
Last Updated : 2026-01-24 Read more