Palihim akong ngumiti, bakit ko nga ba nakalimutan yun? Sa lahat ng ginagawa kong gown ay nag-iiwan ako ng Signature Embellishment. Wala akong nilampasan kahit isa dahil gusto ko lang mag-iwan ng pagkakakilanlan ng mga gawa ko.Napapailing na lang ako sa sarili ko habang bahagyang natatawa. Hirap talaga kapag nauna ang panic, hindi ka makapag-isip ng maayos. Naalala kong minsang tinanong ni Jerick kung anong ibig sabihin ng tatlong beads na inilalagay ko palagi sa mga ginagawa ko.Tiningnan ko si Rosie na hindi na mapakali. Malikot na rin ang mga mata niya. Nakatingin siya sa mga team niyang nasa gilid lang. Tila ba nanghihingi ng tulong.“Miss Rosie, hindi ko naman sinasabi na ikaw nga ang nanggaya sa inyong dalawa ni Miss Claire. Gusto ko lang malaman dahil nakatrabaho ko na si Miss Claire sa New York. Siya ang kilala kong designer na ma
Last Updated : 2026-01-23 Read more