Kinabukasan, katulad nang napag-usapan. Si Asher ang sumundo sa akin.“Ihatid din kita mamaya, okay? Huwag kang aalis nang hindi ako ang kasama mo.” Wika niya habang nasa byahe kami.“Oo naman, kanino pa ba ako magpapahatid kung hindi sayo? Ayaw ko namang kung yung pamangkin mong baliw ang maghahatid sa akin. Magtaxi na lang ako kung ganun.” Natawa naman siya sa sinabi ko.“Lalim ng galit mo sa kaniya ha?” mapang-asar niyang saad.“Sinong hindi magagalit sa kaniya? Hindi ko makakalimutan yung ginawa niya sa akin pero alam mo nung nakita ko siyang may mga pasa sa mukha, nasabi ko talaga sa pagmumukha niyang deserve niya yun. Kung nasabi niya lang sana kung sino ang bumugbog sa kaniya, binigyan ko sana yun ng award.” Bakas pa rin ang galit sa tinig ko.
Last Updated : 2026-01-09 Read more