“Hindi siya pumatay.”Tahimik ang conference room, pero ramdam ko kung paanong parang may sumabog na salamin sa pagitan naming lahat matapos kong bitawan ang mga salitang ’yon. Nakaharap sa akin ang tatlong tao—isang abogado ng pamilya de La Joya, isang pulis na hindi man lang tinanggal ang jacket niya, at si Julian na nakatayo sa likod ko, masyadong malapit, parang handang sumalo kung bigla akong gumuho.“Miss Reyes,” sabi ng pulis, malamig ang boses, “we’re not here to debate belief.”“Good,” sagot ko, diretso ang tingin ko sa kanya. “Because I’m here to change the direction of your investigation.”Narinig ko ang bahagyang paghinga ni Julian sa likod ko. Isang babala. O pag-aalala. Hindi ko na inusisa. Hindi puwedeng mawala ang momentum. Hindi ngayon.“Your suspect,” dugtong ko, “is being framed. And if you keep pushing this angle, you’re going to miss the real killer.”Tumikhim ang abogado. “Liza—”“Don’t,” putol ko sa kanya. “Don’t tell me to calm dow
最終更新日 : 2026-02-03 続きを読む