POV: DrakeSabi nila, ang bahay daw namin ay puno ng sumpa.Na kahit gaano ko ito ayusin, kahit ilang beses ko pa itong ipa-renovate, hindi raw mawawala ‘yung lamig na bumabalot dito.At minsan… naniniwala akong totoo ‘yun.Kasi kahit anong gawin ko, kahit gaano ko pa subuking linisin ang bawat sulok, naririnig ko pa rin siya—ang mga boses, ang mga alaala.At sa gitna ng mga bulungan ng mga kasambahay sa ibaba, alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam noon.“Manang Tess, nakita mo ba ‘yung kurtina sa hallway? Gumagalaw kahit walang hangin,” sabi ni Rosa, ‘yung bagong kasambahay.“Shh,” saway ni Manang Tess. “Huwag kang maingay. Baka marinig ni sir.”“Pero Manang, totoo! Saka kagabi, may narinig akong boses sa may kwarto ni Ma’am Cynthia.”Tumigil ako sa hagdanan.Hindi nila alam na naririnig ko sila.Kahit pa binabaan nila ang boses nila, malinaw pa rin sa akin ang bawat salita.“Siguro… hindi lang siya matahimik,” sabi pa ni Rosa. “Baka kasi may—”“Tumahimik ka nga!” bulong ni Manan
Last Updated : 2025-10-31 Read more