Tahimik ang buong mansyon.Ang tanging tunog lang ay ang mahinang ugong ng ulan sa labas, humahalik sa mga bintana ng silid ni Mama.Matagal na rin mula nung huling beses kong binuksan ang pintuang ‘to.‘Yung amoy ng lavender perfume niya, parang ayaw pa ring mawala kahit ilang buwan na ang lumipas mula nang… aksidente.Aksidente daw.Pero hindi ko kailanman tinanggap ‘yon.Nakaharap ako ngayon sa vanity table ni Mama—Cynthia Reyes-De La Joya.Dating mukha ng brand, dating haligi ng lakas ni Drake, at… ang babaeng iniwan akong may libong tanong.Bumuntong-hininga ako, pinahid ang luhang hindi ko na napigilan.“Mom… if only you told me what really happened,” bulong ko, halos walang boses.Nasa kwarto pa rin ako ng stepdad ko, si Drake De La Joya, pero gabi-gabi, dito ako napapadpad.Para akong multo na bumabalik sa nakaraan.Hindi ko alam kung dahil sa grief, o dahil sa takot, o dahil sa guilt.Pero isang bagay ang sigurado—may tinatago si Mirielle Santos.At pakiramdam ko, may kinalam
Last Updated : 2025-11-12 Read more