Pagpasok ko sa boardroom kinabukasan, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid—parang bawat upuan ay may halong paghatol, bawat titig ay may kanya-kanyang opinyon na hindi ko pa man naririnig, ramdam ko na.Tahimik akong umupo sa dulo, pero alam kong lahat ng mata ay nakatingin sa akin—hindi bilang empleyado, hindi bilang consultant, kundi bilang si Liza Reyes, ang anak ng babaeng minsang naging dahilan kung bakit muntik nang gumuho ang CEO ng De La Joya Group.At doon sa dulo ng mahabang mesa, nakaupo si Drake De La Joya, kalmado, pero ramdam mong hindi siya payapa.Suot niya ‘yung all-black suit na palaging nagpapalakas ng karisma niya—pero ngayong araw, may ibang aura. Hindi ‘yung dating dominanteng Drake. Ito ‘yung Drake na lumalaban habang durog sa loob.Pinilit kong hindi magpakita ng emosyon. Kasi ngayong araw, kung may kailangan akong patunayan, hindi lang iyon tungkol sa kanya—kundi sa sarili ko rin.“Meeting called to order,” wika ni Mr. Alvarado, ang chairman ng board.Diretso
Last Updated : 2025-11-13 Read more