Share

Chapter 32

Author: RGA.Write
last update Last Updated: 2026-03-13 21:22:13

Maagang nagising si Juliette kinabukasan.

Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw ngunit gising na ang buong condo. Sa kusina ay abala si Mama Beth sa paghahanda ng almusal habang ang kambal na sina Jamima at Janina ay masayang nag-uusap sa dining table. Sa kabilang banda naman ay tahimik na kumakain si Gener habang paminsan-minsan ay nakikipag-usap sa dalawang kapatid.

Si Juliette ay nakatayo sa gilid ng mesa, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang tatlong bata.

May kung anong init n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 33

    Hindi inaasahan ni Nicole ang balitang narinig niya mula sa isa sa kanyang dating kakilala sa industriya.“May malaking event daw sa BDR this week,” sabi ng kausap niya sa phone. “Celebration gala yata. Halos lahat ng malalaking pangalan sa negosyo at entertainment industry imbitado.”Bahagyang napangiti si Nicole matapos marinig iyon.Ang BDR ay isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, at ang gala nila ay kilala na dinadaluhan ng mga influential na tao—mga negosyante, producers, investors, at maging ilang personalities mula sa entertainment industry.At para kay Nicole, iyon ay isang pagkakataon.Matagal na niyang iniisip kung paano makakabalik sa pelikula. Kahit hindi na bilang pangunahing bida, sapat na sa kanya ang makabalik sa industriya.Gusto niyang ipakita kay Dylan na siya ang karapat-dapat na makasama nito, na maging asawa nito. Kaya naman hiniling niya na makasama sa pelikulang pagpapartneran ng DJL Films at StoryBank Ph.Kinabukasan ay dumiretso siya sa opisina ni Dylan.“M

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 32

    Maagang nagising si Juliette kinabukasan.Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw ngunit gising na ang buong condo. Sa kusina ay abala si Mama Beth sa paghahanda ng almusal habang ang kambal na sina Jamima at Janina ay masayang nag-uusap sa dining table. Sa kabilang banda naman ay tahimik na kumakain si Gener habang paminsan-minsan ay nakikipag-usap sa dalawang kapatid.Si Juliette ay nakatayo sa gilid ng mesa, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang tatlong bata.May kung anong init na dumadaloy sa dibdib niya sa simpleng eksenang iyon.Ito ang gusto kong buhay, naisip niya. Tahimik, simple at kumpleto.Kumpleto nga ba?Alam niya sa sarili niya na namimiss din niya ang dalawang anak na lalaki na nasa pangangalaga ni Dylan.Naisip niya, 'Ganito yata talaga magmahal ang isang ina. Kahit na anong pananakit ang ginawa ng kambal sa akin noon ay hindi ko pa rin sila tuluyang matalikuran.'“Mommy,” tawag ni Jamima habang ngumunguya ng pancake, dahilan upang mabalik ang atensyon niy

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 31

    “Lo, pwede ka nang magsalita. Huwag ka nang tumingin-tingin pa diyan,” sabi ni Juliette habang nakaupo sa sofa, bahagyang nakataas ang kilay. Ramdam niya kasi ang mga mata ng matanda na kanina pa nakatuon sa kanya.Dalawa na lamang silang nasa living room. Tahimik ang buong condo—ang mga ilaw ay malamlam lang ang liwanag, at sa kabilang bahagi ng unit ay nasa kwarto na ang mga bata, mahimbing nang natutulog matapos ang mahabang araw.“Sinabi sa akin ni Beth na nanggaling dito si Dylan,” tugon ni Don Horacio matapos ang ilang sandaling katahimikan. Seryoso ang mga matang nakatingin sa apo, parang sinusukat ang magiging reaksyon nito.“Yes,” maikli ngunit diretso ang sagot ni Juliette. Bahagya siyang napasandal sa sofa bago nagdagdag, “And what about it?”Huminga nang malalim ang matanda bago sumagot, tila maingat na pinipili ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.“Kailangan ng mga bata ng ama,” sabi niya. “I have investigated Dylan… and to tell you frankly, he is a good father to yo

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 30

    Kinakabahan si Juliette habang nakaupo at kaharap ang mga anak. Bahagya siyang tumikhim, parang kailangan munang ipirmi ang boses bago magsalita.“Sweethearts… I’m sorry kung natagalan,” sabi niya nang marahan habang nakatingin sa kambal. Saglit siyang sumulyap kay Dylan bago muling bumaling sa mga bata. “Siya si Dylan… ang Daddy nyo.”Tumingin ang kambal kay Dylan.Ang lalaki naman ay nakatitig sa kanila na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Bahagyang nangingilid ang luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang dalawang batang halos kapareho ng mukha—parehong may malinaw na mga mata at inosenteng ekspresyon.Sa loob ng ilang segundo ay parang tumigil ang oras.Pagkatapos ay biglang nagliwanag ang mukha ng dalawang bata, parang may ilaw na biglang sumindi sa kanilang mga mata.“Daddy?” sabay nilang bulong, puno ng pagtataka at saya.Hindi na napigilan ni Dylan ang sarili. Dahan-dahan niyang iniangat ang dalawang braso, nakaunat paharap sa kanila na parang tahimik na imbitasyon.W

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 29

    “Sigurado ka na ba?” Nag-angat ng tingin si Juliette sa kaibigan na nagtanong. Pagkagaling sa Moon Network ay sa opisina ng StoryBank PH siya dumiretso.Huminga ng malalim si Juliette bago sumandal at pinikit ang mga mata. Marahan niyang hinilot ang sentido. Hindi niya akalain na magiging ganon siya kakalmado ng sabihin kay Dylan ang tungkol sa kambal nilang anak na nasa poder niya.“Syempre naman…” maya-maya ay tugon ni Juliette. “Hindi magiging maganda ang samahan namin kung mananatili kaming kasal. Hindi na naging maganda ang simula ng pagpapakasal namin kaya sigurado akong ito na ang pinakamabisang solusyon para narin sa mga bata.”“Pero anong sabi niya ng malaman niya ang tungkol sa kambal?” tanong ni Camila.“Hindi na siya naka-react. Natulala siya at umalis na rin ako agad. Natakot ako na baka kung ano ang sabihin niya at masaktan lang ako.”“Ano ka ba naman!” bulalas ni Camila. “Sana ay binigyan mo man lang ng pagkakataon na makapagsalita si Dylan. Sa palagay ko ay yan ang kula

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 28

    Nananatiling nakapako ang tingin ni Dylan sa pinto kahit matagal nang wala roon si Juliette. Wala na ang yabag ng mga hakbang nito, wala na ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto—pero parang naiwan pa rin sa silid ang presensya ng babae, mabigat at hindi niya maalis sa dibdib. Parang bawat segundo ay may sariling bigat, parang unti-unting naninikip ang dibdib niya habang dahan-dahang nagsi-sink in ang bawat salitang binitawan ni Juliette.Buntis ako ng umalis…Kambal…Parehong babae...Dinampi niya ang kamay sa noo, napahawak sa buhok, bago bahagyang napasandal sa swivel chair. Bahagya itong umingit, tila ba kulang pa ang layo para takasan ang katotohanang biglang sumalpok sa kanya.Hindi niya maipaliwanag ang panginginig ng mga daliri niya—halo iyon ng pagkabigla, ng takot, at ng isang uri ng tuwa na matagal nang hindi niya naramdaman, isang emosyon na hindi niya alam kung karapat-dapat pa ba niyang maramdaman.“Twins…” mahina niyang bulong, halos walang tunog, para bang kapag nil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status