LOGINGalit na si Juliette ah... ASAWA KO. Inangkin na si Dylan... hehehe...
Hindi pa tuluyang nakakakalayo si Juliette nang muling sumingit ang boses ni Nicole—mas matalim, mas malakas, at halatang hindi na kayang pigilan ang sarili.“Hindi pa tayo tapos.”Huminto si Juliette, pero hindi siya agad lumingon.Para bang pinag-iisipan niya kung karapat-dapat bang sayangin ang oras sa babaeng nasa likod niya.Ngunit nagsalita muli si Nicole.“Akala mo kung sino ka,” dagdag nito, may halong tawa na pilit pinapakita ang kumpiyansa. “Nagpalit ka lang ng damit, nag-ayos ka lang, tapos bigla ka nang magiging untouchable?”Dahan-dahang humarap si Juliette at kalmado pa rin. Pero ang mga mata niya ngayon ay mas malamig.Mas mapanganib.“Just because nakasuot ka ng mamahaling gown at kasama mo ang lalaking ‘yon,” patuloy ni Nicole habang unti-unting lumalapit, “doesn’t mean you’re above me.”Isang hakbang.Dalawa.Halos magkalapit na sila.“Kilalang-kilala kita, Juliette,” bulong ni Nicole, puno ng panghahamak. “Hindi mo ako kayang lokohin.”Tahimik lang si Juliette.Wala
Pagpasok pa lamang sa grand ballroom ay agad na naramdaman ni Dylan ang bigat ng event.Ang venue ay punong-puno ng mga taong kilala sa mundo ng negosyo—mga CEO, investors, executives, at ilang kilalang personalidad mula sa media at entertainment industry. Ang buong hall ay kumikislap sa liwanag ng malalaking crystal chandeliers na nakasabit sa mataas na kisame.Sa gitna ay may malaking stage na may LED screen kung saan nakalagay ang logo ng BDR.Napansin ni Dylan ang logo ngunit hindi na niya iyon gaanong pinansin.Hindi niya alam kung bakit, pero ang buong atensyon niya ay napunta sa babaeng kakapasok lamang din sa venue.Si Juliette.Sa kanyang eleganteng emerald green gown, para siyang isang reyna na naglalakad sa sariling kaharian. Maayos ang bawat hakbang niya habang kasama si Andrew na tila tahimik na nagbabantay sa kanyang tabi.Maraming tao ang napapalingon sa kanya. May ilan pa nga na nagbubulungan habang pinagmamasdan siya.“Who is she?” tanong ng isang bisita sa katabi.“Hi
Hindi inaasahan ni Nicole ang balitang narinig niya mula sa isa sa kanyang dating kakilala sa industriya.“May malaking event daw sa BDR this week,” sabi ng kausap niya sa phone. “Celebration gala yata. Halos lahat ng malalaking pangalan sa negosyo at entertainment industry imbitado.”Bahagyang napangiti si Nicole matapos marinig iyon.Ang BDR ay isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, at ang gala nila ay kilala na dinadaluhan ng mga influential na tao—mga negosyante, producers, investors, at maging ilang personalities mula sa entertainment industry.At para kay Nicole, iyon ay isang pagkakataon.Matagal na niyang iniisip kung paano makakabalik sa pelikula. Kahit hindi na bilang pangunahing bida, sapat na sa kanya ang makabalik sa industriya.Gusto niyang ipakita kay Dylan na siya ang karapat-dapat na makasama nito, na maging asawa nito. Kaya naman hiniling niya na makasama sa pelikulang pagpapartneran ng DJL Films at StoryBank Ph.Kinabukasan ay dumiretso siya sa opisina ni Dylan.“M
Maagang nagising si Juliette kinabukasan.Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw ngunit gising na ang buong condo. Sa kusina ay abala si Mama Beth sa paghahanda ng almusal habang ang kambal na sina Jamima at Janina ay masayang nag-uusap sa dining table. Sa kabilang banda naman ay tahimik na kumakain si Gener habang paminsan-minsan ay nakikipag-usap sa dalawang kapatid.Si Juliette ay nakatayo sa gilid ng mesa, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang tatlong bata.May kung anong init na dumadaloy sa dibdib niya sa simpleng eksenang iyon.Ito ang gusto kong buhay, naisip niya. Tahimik, simple at kumpleto.Kumpleto nga ba?Alam niya sa sarili niya na namimiss din niya ang dalawang anak na lalaki na nasa pangangalaga ni Dylan.Naisip niya, 'Ganito yata talaga magmahal ang isang ina. Kahit na anong pananakit ang ginawa ng kambal sa akin noon ay hindi ko pa rin sila tuluyang matalikuran.'“Mommy,” tawag ni Jamima habang ngumunguya ng pancake, dahilan upang mabalik ang atensyon niy
“Lo, pwede ka nang magsalita. Huwag ka nang tumingin-tingin pa diyan,” sabi ni Juliette habang nakaupo sa sofa, bahagyang nakataas ang kilay. Ramdam niya kasi ang mga mata ng matanda na kanina pa nakatuon sa kanya.Dalawa na lamang silang nasa living room. Tahimik ang buong condo—ang mga ilaw ay malamlam lang ang liwanag, at sa kabilang bahagi ng unit ay nasa kwarto na ang mga bata, mahimbing nang natutulog matapos ang mahabang araw.“Sinabi sa akin ni Beth na nanggaling dito si Dylan,” tugon ni Don Horacio matapos ang ilang sandaling katahimikan. Seryoso ang mga matang nakatingin sa apo, parang sinusukat ang magiging reaksyon nito.“Yes,” maikli ngunit diretso ang sagot ni Juliette. Bahagya siyang napasandal sa sofa bago nagdagdag, “And what about it?”Huminga nang malalim ang matanda bago sumagot, tila maingat na pinipili ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.“Kailangan ng mga bata ng ama,” sabi niya. “I have investigated Dylan… and to tell you frankly, he is a good father to yo
Kinakabahan si Juliette habang nakaupo at kaharap ang mga anak. Bahagya siyang tumikhim, parang kailangan munang ipirmi ang boses bago magsalita.“Sweethearts… I’m sorry kung natagalan,” sabi niya nang marahan habang nakatingin sa kambal. Saglit siyang sumulyap kay Dylan bago muling bumaling sa mga bata. “Siya si Dylan… ang Daddy nyo.”Tumingin ang kambal kay Dylan.Ang lalaki naman ay nakatitig sa kanila na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Bahagyang nangingilid ang luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang dalawang batang halos kapareho ng mukha—parehong may malinaw na mga mata at inosenteng ekspresyon.Sa loob ng ilang segundo ay parang tumigil ang oras.Pagkatapos ay biglang nagliwanag ang mukha ng dalawang bata, parang may ilaw na biglang sumindi sa kanilang mga mata.“Daddy?” sabay nilang bulong, puno ng pagtataka at saya.Hindi na napigilan ni Dylan ang sarili. Dahan-dahan niyang iniangat ang dalawang braso, nakaunat paharap sa kanila na parang tahimik na imbitasyon.W







