"You're unbelievable..." Napabuntong-hininga si Inara. Kinagat niya ang labi at pinigilan ang galit sa puso bago nagsalita nang mariin. "Sabi mo kapag pumayag akong pumunta dito ay hindi mo na gagalawin ang trabaho ni Liora. Are you going to break your words, Kaizan?" Napangisi nang malamig si Kaizan, puno ng pangungutya ang tingin. "Pinapunta kita dito para alagaan si Zandrae, hindi para mas lalo lang siyang pahirapan. Huwag mo nang subukang ulitin pa ito, Inara, dahil hindi mo magugustuhan ang kahahantungan mo at ng kaibigan mo." Pagkatapos ay bumaba na siya. Ngunit nang asa bandang itaas pa lang siya ng hagdan nang marinig ang sigaw ni Inara. "Pagsisisihan mo lahat ng 'to, Kaizan!" Tumigil siya sandali, walang ibang naramdaman kundi paghamak. 'Pagsisisihan? Ha!' Samantala, makalipas ang ilang araw. "Paano ko hihigupin ito kung matabang naman? Inara, sinasadya mo ba ito?" Itinulak ni Zandrae ang mangkok ng sabaw nang may pandidiri at tiningnan si Inara nang may pagdududa. Ma
Read more