Share

Chapter 146: Cruel Bargain

Author: inksera
last update publish date: 2026-07-11 09:34:02

Ang dahilan sa pagkawala ng baby ni Zandrae ay siya rin mismo. Kapag pumayag si Inara na alagaan ito, para na rin niyang inamin na siya ang may kasalanan at tumulak dito.

'So there's no way na aalagaan ko ang babaeng iyon.'

Hindi naman na nagulat si Kaizan sa sagot niya. Inaasahan na rin naman iyon ng lalaki. Bagaman walang nagbago sa tindig at lamig ng pagkakakatingin niya kay Inara.

"Wala kang karapatang tumanggi, Inara. You're the one who killed Zandrae's baby. Dapat nga ay mas magpasal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 222: A Heart Still Hesitant

    Iniwas ni Zandrae ang tingin at bahagyang ngumiti. "Maayos na po ang pakiramdam ko. Huwag ka nang mag-alala.""Iyan lang ang sinasabi mo. Napapansin kong hindi maganda ang lagay mo nitong mga nakaraang araw. Zandrae, talagang nag-aalala ako sa iyo. Para lang mapanatag ang loob ko, magpatingin ka na, okay?"Dahil sa pagpupumilit ni Kaizan, hindi malaman ni Zandrae kung ano ang dapat niyang gawin.Hindi niya mabasa ang iniisip nito. Kung magdadahilan pa siya, baka lalo itong maghinala. Pero kung magpapatingin naman siya, baka may lumabas na hindi niya kayang tanggapin."Zandrae?"Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang pagtawag nito. Pilit siyang ngumiti bago sumagot. "Wala na talaga akong magagawa sa iyo. Sige, pupunta ako. Pero Lunes pa lang ngayon. Sa Sabado na lang tayo magpunta.""Sige.""Pwede na ba tayong kumain? Gutom na gutom na ako.""Oo naman. Kain na tayo."Pagkaupo nila sa hapag-kainan, napansin niyang wala si Inara kaya agad siyang nagtanong. "Nasaan si Inara?"Lumi

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 221: Truth Twisted

    Tuwang-tuwa talaga si Liora para kay Inara kaya hindi nito napigilang hawakan ang kamay ng kaibigan."Buti naman! Nilinaw mo na ang pangalan mo. Pag-uwi mo, ihagis mo 'yang report sa mukha ni Kaizan at ipaiyak mo siya hanggang sa magmakaawa siyang patawarin ka. Sabihin mo rin sa kanya na palayasin na niya agad si Zandrae. Nakakasawa na siyang tingnan."Hinaplos ni Inara ang tiyan bago mahina itong nagsalita. "Hindi na mahalaga ang tungkol sa akin. Gusto ko lang na malinis ang pangalan ng batang dinadala ko at hindi siya dumanas ng kawalang-katarungan.""Huwag kang mag-alala. May ebidensya tayo. Hindi naman bulag si Kaizan. Makikita rin niya ang totoo."Mahigpit na hinawakan ni Inara ang report habang unti-unti siyang ngumiti.Gabi na nang makauwi sina Kaizan at Zandrae.Madilim na ang paligid nang makarating sila sa bahay. Mahina lang ang ilaw sa sala kaya mas lalong naging tahimik at nakakaantok ang buong lugar.Nag-aalala na baka may mabangga si Zandrae kaya agad itong inalalayan ni

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 220: Beneath the Mask

    Ayaw man sanang sumunod ni Inara sa utos nito, wala na rin siyang balak na magdulot pa ng panibagong gulo. Kaya nagpigil siya ng inis, kinuha ang damit, at iniabot iyon kay Zandrae.Hubad na hubad si Zandrae sa harap niya, walang anumang pagtatangkang magtakip. Lantad ang magandang hubog ng katawan nito habang dahan-dahang gumapang ang mga daliri sa payat nitong bewang. May mapanuyang ngiti itong tumawa."Inara, kailan ka pa huling tumingin nang maayos sa sarili mo? Natatakot ka bang humarap sa salamin ngayon?"Nanatiling kalmado si Inara at walang anumang pakialam na sumagot."Hindi ko kailangang umasa sa itsura para makuha ang loob ng iba, kaya bakit pa ako mag-aalala?""Baka gusto mo nga, pero sino ba ang gugustuhing tumingin sa'yo?" Matapos maisuot ang damit, itinuro ni Zandrae ang isang pares ng matataas na sapatos. "Palitan mo ang sapatos ko."Kaagad na nagbago ang mukha ni Inara. Hindi na niya napigilang sawayin ito."Zandrae, huwag kang lumabis!""Ah, lumalabis na ba? Napakahi

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 219: A Test of Patience

    Naiwas ni Zandrae ang tingin dahil sa malambing na titig ni Wyatt. Mahina siyang nagsalita, "Huwag na muna tayong mag-usap. Ibibigay ko muna ang pagkain kay Kaizan bago pa ito lumamig." "Sige. Hihintayin kita rito." "Hihintayin mo ako?" Naguluhan si Zandrae. Bakit siya hihintayin nito? Napansin ni Wyatt ang pagdududa sa mukha niya kaya dahan-dahan itong nagpaliwanag. "Hindi mo naman siguro iniisip na kakausapin ka niya nang maayos habang kumakain, hindi ba? Masama ang timpla niya ngayon. Kahit pumayag siyang makipagtulungan sa iyo, nagpapanggap lang siya. Hindi ka pa rin niya tunay na tinatanggap." Kahit alam ni Zandrae na may katotohanan ang sinabi nito, hindi pa rin siya naniwalang wala na siyang pag-asa. Itinaas niya ang baba at matatag na nagsabi, "Paano mo malalaman kung hindi ko susubukan?" Nang makita ni Wyatt ang matibay niyang paninindigan, bahagya na lamang itong ngumiti, ngunit wala pa ring kasiguraduhan ang ngiting iyon. Kanina ay mukhang kampante pa si Zandrae, ngun

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 218: Do You Love Me?

    Napangiti si Kaizan sa sinabi ni Zandrae, pero lihim niyang pinagmasdan ang reaksyon ni Inara.Kailangang aminin na nagtagumpay siya. Habang nakikita ni Inara ang lalaking mahal niya na naglalambing sa ibang babae sa mismong harapan niya, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya.Pero kahit gaano kasakit, ano pa ba ang magagawa niya?Alam niyang kapag nagpakita siya kahit kaunting sakit, matutuwa lang si Kaizan at iisiping epektibo ang ginagawa nito. Mas lalo lang nitong lalalain ang pang-aasar at pangungutya.Hindi niya hahayaang tapakan ng kahit sino ang natitira niyang dangal. Kaya pinigil ni Inara ang galit. Dahan-dahan siyang umupo muli, ipinagpatuloy ang almusal, at hindi na pinansin ang dalawang taong nasa harap niya.Habang tahimik siyang kumakain ng tinapay, umiinom ng lugaw, at sumusubo ng wonton, hindi siya inaalis ng tingin ni Kaizan. Unti-unting dumilim ang mukha nito. "Ikaw talaga..."Halos sumabog na sa galit si Kaizan nang biglang nagsalita si Zandrae."K

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 217: Torment to Torment

    Akala ni Inara na magbibigay si Kaizan ng maayos na explanation, pero labis ang gulat niya nang mapansin niyang hindi man lang ito nag-effort na gumawa ng convincing na kasinungalingan. Sa halip, napakababaw lamang ng sagot na ibinigay nito sa kanya.Sa sandaling iyon, muling ipinaalala ng attitude ni Kaizan na hindi na katulad ng dati ang samahan nila. Siguro, ang manatili na lamang sila sa tahimik at mapayapang distansya ang pinakamabuting gawin para sa kanilang dalawa.Kahit alam niya iyon, hindi pa rin naiwasan ni Inara na sumakit ang puso niya na parang hirap siyang huminga. Mabilis siyang nagsalita, pilit na itinatago ang tunay niyang nararamdaman."Tama ka. Nakikisawsaw lang naman talaga ako sa bagay na hindi ko naman dapat pakialaman."Pagkasabi nito, agad siyang tumalikod at dumiretso sa kanyang kwarto.Mula sa gilid, itinaas ni Zandrae ang kanyang kilay bago nagsalita."Napakakalmado naman ng reaction mo. Kung ibang babae lang iyan, siguradong sisigaw na at magwawala na ngay

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 87: A Quiet Shift

    Napahinto sandali si Wyatt nang marinig niya ang sinabi ni Zandri. Tumingin siya rito, may halo ng pag-aalinlangan at bigat sa mga mata, bago marahang nagtanong, parang takot sa posibleng sagot. “Zandri, tatanungin lang kita. Kung sakali na… kung hindi talaga makipag-divorce si Kaizan kay Inara… an

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 86: Divided Loyalties

    Lumambot ang tingin ni Don Adalvino habang tinitignan si Inara. May halong pag-aalala ang boses niya. “Sabi ng maid, hindi raw maganda ang pakiramdam mo. Gusto mo bang magpatawag tayo ng doktor?”Marahang umiling si Inara. Sa ilalim ng mahabang nightgown niya, nanginginig ang mga binti niya sa saki

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 85: The Weight of Regret

    Umatras nang umatras si Inara hanggang sa dumikit na ang likod niya sa malamig na pader. Wala na siyang urungan. Patuloy pa ring lumalapit si Kaizan, mabigat ang presensya, parang sinasakal ang hangin sa pagitan nila.Tiningnan niya si Inara mula ulo hanggang paa. Gusot na ang dating elegante niyan

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 82: Left in the Cold

    “Bakit ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?” Kalmado ang boses ni Inara. Sobrang kalmado. “Ikaw ang kusang nagbigay ng card sa akin. Walang pumilit sa’yo.”Pero ang mahigpit niyang pagkakakuyom ng mga kamay ang nagbunyag ng kaba niya. Basa ang palad niya. Mabilis ang tibok ng puso niya.Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status