Nang makita ni Inara ang mukha ni Liora sa balita, tila nanigas ang buong katawan niya.Hindi siya makagalaw. Nakatitig lamang siya sa telebisyon, hindi maalis ang mga mata sa mga salitang paulit-ulit na ipinapakita sa screen. Missing. Last seen two days ago. Nanginginig ang kanyang mga kamay, at bumilis ang tibok ng puso niya hanggang sa halos hindi na siya makahinga. Dalawang beses na siyang tinawag ni Lola bago siya tuluyang nakabalik sa sarili.Lumabas sila ng banyo. Naghihintay na si Arkin, handa na silang ihatid sa eroplano, ngunit agad siyang pinigilan ni Inara."Arkin, sandali. Lola, maghintay po kayo sandali. May sasabihin lang ako sa kapatid ko."Tumabi si Lola. Hinila ni Inara si Arkin sa gilid. Namumutla siya, ngunit matatag ang kanyang tingin."Nakita ko ang balita, Arkin. Liora is missing. Ang litratong ipinakita... siya iyon." Hindi man lang kumurap si Arkin. Kalmado pa rin ang mukha nito habang sumagot, "Nagkakamali ka. Umuwi siya sa kanila para sa isang pagdiriwang."
Read more