THIRD PERSON:Tahimik ang buong classroom.Si Syrel, seryoso, nakayuko, kinokopya ang lecture sa pisara.Walang kaarte-arte.Walang kamalay-malay sa epekto niya sa propesor.At si Ederson?Nakatayo sa harap… kunyari nag-aayos ng marker…Pero ang totoo, nakamasid sa likod ng klase.Doon niya nakita ang maliit na galaw, ang pagtayo ni Nicolas…ang paglapit nito kay Syrel… at ang pag-upo nito sa tabi ng dalaga na parang walang takot sa mundo.Parang may biglang kumurot ng madiin sa sikmura niya."Aba't ang pasaway!!! Umupo ka pa talaga diyan, Nicolas? At bakit kailangan katabi? Ano ‘yon, kailangan dikit na dikit?"Kinakalma niya ang sarili, pero sa loob-loob niya, nag-iinit na ang tenga niya sa inis.“Hi, Syrel,” bulong ni Nicolas, na para bang sinadyang hinaan ang boses para hindi marinig ng iba, pero narinig ni Ederson.Narinig.At kinuyom niya ang panyo sa bulsa.“Uhmm… tapos mo na ba ‘yong sa Chemistry natin?”“Hindi pa,” sagot ng dalaga, hindi man lang tumingin. “Nahihirapan ako. Wa
Last Updated : 2025-11-22 Read more