THIRD PERSON:“Mabango na naman ang pandesal…”Mahina niyang narinig ang pamilyar na boses ng kanyang ama—malambing, puno ng sigla, at parang musika sa kanyang pandinig.“‘Nak, gising na. Lalamig na ang pandesal,” anito habang marahang idinidikit sa pisngi niya ang mainit-init pang tinapay—ugali nitong ginagawa tuwing umaga para siya’y gisingin.Napasinghap si Xyrel, napakapit sa kumot habang ramdam ang init na dumadampi sa kanyang balat, na para bang totoo.“Opo, Pa... tatayo na po,” sagot niya, tinatamad pa at paos ang boses, gaya ng dati tuwing gigising siya nang maaga para pumasok.Narinig niya ang tawa ng kanyang ama—malambing, pamilyar, at puno ng saya.“Sige ka, uubusin ng kapatid mo ‘to kapag di ka bumangon,” biro nito.Naroon na naman ‘yung halakhak na tila pumupuno sa buong bahay, ‘yung tunog ng tasa ng kape, at ‘yung amoy ng bagong lutong pandesal na bumabalot sa hangin.Ngunit bago pa siya tuluyang bumangon, unti-unting naglaho ang lahat.Ang tinig ng kanyang ama ay parang
Last Updated : 2025-11-07 Read more