LOGINTHIRD PERSON:Natahimik si Ederson nang ilang segundo matapos marinig ang sinabi ni Syrel tungkol sa bangka.Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya, takot, pag-aalinlangan, at ‘yung pag-asang ayaw na niyang amining nararamdaman niya.Dahan-dahang hinaplos ni Ederson ang kamay ni Syrel.“Syrel…”mahina pero mabigat.Bahagya nitong kinagat ang ilalim ng labi, pilit na pinipigil ang sariling emosyon.“Hindi ko alam… hanggang kailan mo ako kakailanganin.”Tumawa siya nang mahina, pero halatang pilit lang.“Hindi ko rin alam kung… hanggang kailan kita puwedeng hawakan nang ganito.”Napayuko si Syrel.Parang gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.Kaya itinuloy ni Ederson, mas malumanay, mas totoo:“Pero hangga’t nandito ka… hangga’t nagpapakita ka sa’kin…”Lumapit pa siya, halos magdikit na ang kanilang noo.“…hinding-hindi kita bibitawan.”Napasinghap si Syrel, ramdam ang mainit na hininga ng binata.Hindi sila gumalaw, pero parang umiikot ang mundo sa pagi
THIRD PERSON:Pagpasok nilang tatlo sa bookstore, agad namang naaliw si Jerelyn sa shelves ng school supplies.“Dito muna ako sa pens section, guys!” masiglang sabi ni Jerelyn.Malinaw na binibigyan niya ng space ang dalawa.Naiwan sa aisle ng mga libro sina Ederson at Syrel.Habang pumipili si Syrel ng reference books, napapansin niya ang kakaibang katahimikan ni Ederson sa tabi niya na hindi tahimik na normal, kundi tahimik na may binabalak.“Sir, ito po bang—”Hindi niya natapos.Biglang hinawakan ni Ederson ang pulso niya, mabilis pero maingat, at hinila siya papunta sa pagitan ng dalawang matataas na shelf, iyong parte ng bookstore na bihira ang tao.Bago pa siya makapag-react…Smack.Isang mabilis, mainit, pero sobrang nakaw na halik ang dumapo sa labi niya.Nanlaki ang mata ni Syrel, literal na parang napako sa kinatatayuan niya.“E-Ederson!” mahina pero tarantang bulong niya.“Pasaway ka talaga… baka may makakita sa atin!”Hinampas niya ito sa balikat, marahan pero may halong
THIRD PERSON:“Di ka pa rin umaamin sa kanya?” tanong ni Jerelyn, hindi man lang tumitingin dahil abala sa pagsusulat ng notes. Pero ramdam niya ang bigat sa hangin, iyong bigat na nanggagaling sa kaibigang ilang linggo nang tahimik.Narinig ni Syrel ang buntong-hininga ni Jerelyn. At alam niyang malapit na itong sumabog sa inis sa katigasan ng ulo niya.“Paano, Syrel?” tuloy ni Jerelyn. “Talagang pipigilan mo na lang ba ang puso mo sa nararamdaman mo kay Prof?”Napatigil si Syrel sa pagsulat. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ballpen bago tumingin sa mesa. May pilit na ngiti sa labi niya, iyong ngiting may tapang pero may lungkot.“Siguro… ito lang ang tama.” Mahina pero malinaw.Napatingin si Jerelyn, at doon niya nakita ang mata ng kaibigan, pagod, puno ng sikreto, at puno ng pakikipaglaban sa sarili.Isa pa siyang buntong-hininga. Wala na siyang masabi. Tumahimik na lang siya.Habang nakayuko, bigla na lang nagsalita si Syrel, mas malalim, parang matagal nang nakaipit sa dibdib
THIRD PERSON:Pero kahit halata kay Ederson ang selos, nanatiling kalmado si Syrel. Sanay na siya. Magaling siyang magtago ng nararamdaman, lalo na pagdating sa propesor niya. Tahimik lang siyang ngumiti at ibinalik ang tingin sa mga papel, pilit na pinapakalma rin ang tibok ng puso niya.Alam ni Syrel ang hangganan. Hindi dapat. Hindi puwede. May linya sa pagitan nila na bawal tawirin, isang linya na araw-araw niyang pinipiling igalang. Hindi siya nagtatanong tungkol sa personal na buhay nito, kung may babae ba, kung may karelasyon ba o wala. Dahil ayaw niyang makialam. Ayaw niyang makasira. At higit sa lahat, ayaw niyang ipakita na unti-unti na siyang nahuhulog sa binatang ilang beses na niyang nagamit sa sariling kagipitan.Para kay Syrel, sapat na ang tulong ni Ederson. Hindi dapat lumampas doon. Alam niyang kasalanan na ang nangyari sa kanila, ang pakikipag-ugnayan sa sariling propesor. At mas lalo niyang ayaw na madamay pa ito sa mga problema niya. Kaya pinili niyang manahimik…
THIRD PERSON:Tahimik ang buong classroom.Si Syrel, seryoso, nakayuko, kinokopya ang lecture sa pisara.Walang kaarte-arte.Walang kamalay-malay sa epekto niya sa propesor.At si Ederson?Nakatayo sa harap… kunyari nag-aayos ng marker…Pero ang totoo, nakamasid sa likod ng klase.Doon niya nakita ang maliit na galaw, ang pagtayo ni Nicolas…ang paglapit nito kay Syrel… at ang pag-upo nito sa tabi ng dalaga na parang walang takot sa mundo.Parang may biglang kumurot ng madiin sa sikmura niya."Aba't ang pasaway!!! Umupo ka pa talaga diyan, Nicolas? At bakit kailangan katabi? Ano ‘yon, kailangan dikit na dikit?"Kinakalma niya ang sarili, pero sa loob-loob niya, nag-iinit na ang tenga niya sa inis.“Hi, Syrel,” bulong ni Nicolas, na para bang sinadyang hinaan ang boses para hindi marinig ng iba, pero narinig ni Ederson.Narinig.At kinuyom niya ang panyo sa bulsa.“Uhmm… tapos mo na ba ‘yong sa Chemistry natin?”“Hindi pa,” sagot ng dalaga, hindi man lang tumingin. “Nahihirapan ako. Wa
THIRD PERSON:Maaga pa lang ay gising na si Ederson. Mabilis siyang napabalikwas mula sa kama dahil sa gulat-baka wala na naman si Syrel sa tabi niya, tulad ng ilang beses nang nangyari. Pero nang lumingon siya at makita ang dalaga, nakatalukbong ng kumot at mahimbing na humihinga… para siyang nakahinga nang malalim.Nandito siya. Hindi siya umalis.At dahil doon, hindi na siya muling nakatulog.Imbes, bumangon siya, inayos ang sarili, at nagluto ng almusal. Unang beses nilang sabay na kakain ng totoong breakfast. Noong mga nakaraan, palagi na lang siyang nauunang magising nang wala ang dalaga. Kaya ngayon, gusto niya maging espesyal-even in the simplest way.Habang nililipat niya sa kawali ang fried rice, narinig niya ang mahinang paglakad. Paglingon niya, halos mabitawan niya ang sandok.Si Syrel… suot ulit ang oversized niyang T-shirt. At naka panty lang. Magulo ang buhok, bagong gising ang mata na lalong nagpasingkit sa kanya, pero sapat para umakyat ang init sa katawan niya.Pini







