SYRYL'S POV:Tahimik akong nakaupo sa isang sulok ng canteen kasama si Jerelyn.Hindi ko gaanong ginagalaw ang pagkain sa harap ko. Ilang minuto na yata akong nakatitig lamang dito, pero wala talaga akong ganang kumain.Hindi ko rin mapigilang mapatingin sa kabilang bahagi ng canteen.Nandoon si Ederson.Kasama ang ilang kapwa guro.Pero kahit maraming tao sa paligid niya, kapansin-pansin na parang wala siya sa mood. Tahimik lamang siyang nakaupo habang nakikinig sa mga kausap niya. Paminsan-minsan ay tumatango, pero halatang hindi talaga roon ang kaniyang atensyon.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ganoon siya kalayo, napapansin ko pa rin agad ang bawat kilos niya.Siguro dahil sanay akong hinahanap siya ng mga mata ko.“Syrel.”Napalingon ako kay Jerelyn.“Hm?”“Okay ka lang?”Bahagya akong napangiti.“Okay lang.”Tiningnan niya ako nang ilang segundo bago siya muling sumulyap sa direksyon ni Ederson.“Sure ka?”Napakunot ang noo ko.“Bakit?”Umiling siya
Read more