Tasya's Point of View "Hey, lasing ka na. Gusto mo bang ihatid ka na namin?" tanong ni Nikita. Kinuha niya ang basong hawak ko. Pinigilan sa muling pagtungga. May laman pa iyon at sayang kaya inaagaw ko pabalik. Mas nangibabaw lang siya at talagang kinuha iyon palayo sa akin."Langya! Wala pa tayong tatlong oras dito, Tash, lasing ka na?" Si Che ang nagsalita. "Nagbago ka na. Dati ikaw ang hindi nalalasing kahit ilang alak pa ang mainom mo..."Natawa ako. "Lasing lang ako pero alam ko pa ang ginagawa ko!" sagot ko sa kanilang dalawa. "I'm just happy..."Kasinungalingan! Kabaliktaran ng totoong nararamdaman ko. Pero hindi ko puwedeng sabihin. Ayaw kong kaawaan nila ako. Lalo at may kanya-kanya kaming hamon sa buhay na hinaharap."I think we need to go, Che. Baka may magawa pa itong si Tasya..."Muli akong natawa sa narinig mula kay Nikita. "Hey! Don't bother. Enjoy yourself. Tatawag na lang ako ng susundo sa akin," sabi ko. Nilabas ang telepono para tumawag. Pero natigilan ako. Sino
Last Updated : 2026-01-14 Read more