공유

Chapter 2.

작가: Ciejill
last update 최신 업데이트: 2025-10-26 18:20:11

“This is ridiculous Jacob!” sigaw ni Reinna sa pagmumukha ng dati niyang asawa habang kaharap ito sa sala ng mansion ng mga Salazar. Ito ang naging reaksyon niya matapos niyang marinig ang sinabi ng attorney.

Na lahat daw ng mga ari-arian ng mga magulang niya ay mapupunta lahat kay Jacob at sa kanya ni isa ay wala, kahit pa ba na pinaghirapan ito na ipundar ng mga magulang niya.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ng abogado Reinna o baka hindi mo naiintindihan at gusto mo isa-isahin ko pa sa iyo?” ani Jacob at sarkastikong tumawa.

“Buhay pa lang ang ama mo Reinna ay lulong na siya sa utang sa pamilya ko, kay daddy. Pero dahil may share siya sa kumpanya at kaibigan ni dad ay hinayaan lang ito ng ama ko. Hanggang sa namatay na lang ang mga magulang mo ay hindi pa rin nila nagawang bayaran ang mga utang na iyon. Dahil iyon sa bisyo ng iyong ama, babae at sugal sa casino,” ani pa nito sa kanya. “At ngayong sinabi ng doctor na maliit na lang ang chansa na mabuhay si dad at hiwalay na rin naman na tayo ay oras na para maningil,” dagdag pa ni Jacob at ngumisi sa kanya ng nakaka-asar.

“Jacob, please kung totoo man iyang mga sinasabi mo, hayaan mo lang muna ang share ni daddy sa kumpanya mo at ako ang bahala na magpatakbo. Babayaran kita kahit paunti-unti,” pakiusap niya sa lalaki. Hinihiniling na sana ay pumayag ito sa mungkahi niya.

Ngunit umiling lang si Jacob. “No!” matigas nitong sagot at napapatiim bagang na nakatingin sa kanya. “Anong alam mo Reinna? Wala! Wala kang alam sa negosyo. Dahil nga kahit experience sa trabaho ay wala ka, negosyo pa? Ano nga ba ang alam mo? Magluto ng umagahan, tanghalian, at hapunan na wala naman lasa at hindi masarap. Ano pa? Maglinis, maglaba?” mapanuyang sabi nito. “Kahit sa kama ay hindi ka rin magaling at hindi ako satisfied sa ‘yo. Isa pa, look at yourself. Wala pang anak pero lusyang na,” mapanakit na mga salita ni Jacob ang narinig ni Reinna.

Napakuyom ang mga kamao niya sa narinig. Hindi magaling? Pero sarap na sarap naman sa katawan niya ang wakanghiya! Wala na yata talagang magandang salita na lumalabas sa bibig nito para sa kanya. Puro pang-uuyam at pang-iinsulto na lang sa pagkatao niya bilang babae.

Mabuti na lang at nakaalis na ang abogado nito kundi doble-dobleng pagkapahiya sana ang inabot niya sa walang tinik nitong mga dila.

“Go upstairs, pack your things and leave this mansion now!” sigaw pa nito at tinuro ang hagdan paakyat sa taas.

Hindi gumalaw si Reinna kundi napatitig lang siya sa siraulong mukha ni Jacob. Hanggang sa marinig niya ang isang boses na sumigaw sa likod niya.

“Daddy!”

Napalingon bigla si Reinna at nakita niya ang isang dalagitang babae at tinawag na daddy si Jacob. Kasunod nito si Angela, ang babaeng ipinalit ng asawa niya sa kanya. Ang babaeng ahas na tinuring niyang kaibigan. Taas noo na naglalakad ang babae na may matamis na ngiti at lumapit din kay Jacob saka humalik sa labi ng dati niyang asawa mismo sa harapan niya.

“Daddy? Ano ang ibig sabihin nito, Jacob?” naninigkit ang mga matang tanong ni Reinna sa dating asawa. Yes, she know na may kabit ang asawa niya pero hindi niya alam na may anak ito at ganito na kalaki?

“You heard what my daughter called me, right?” And to answer you, yes Jasmine is my daughter. Anak namin ni Angela,” tila proud na sabi ni Jacob kay Reinna.

“Kailan pa Jacob?” nanghihina na tanong ni Reinna.

“Bakit ba kailangan mo pang malaman? Hiwalay na tayo hindi ba? At isa pa hindi ko na kailangan pang sabihin sa iyo lahat. Pero mukhang mas masaya nga naman kung malalaman mo,” wika ni Jacob na mariin siyang pinakatitigan.

“Angela, was 17 years old nang mabuntis ko siya. Pero hindi ko magawang panagutan dahil sa lintik na kasunduan ng daddy ko sa dad mo. Wala rin akong choice kundi itago na muna sila sa publiko. Pero ngayong annulled na tayo, ay hindi ko na sila itatago pa. Lalong-lalo na sa iyo,” wika nito sabay ngisi ng nakakaloko.

“Walanghiya ka, sa lahat ng walanghiya Jacob, alam mo ba iyon? Ni hindi mo man lang nirespeto ang kasal natin noon, kahit iyon man lang sana!” bulyaw niya sa lalaki. Tumawa lang naman ito ng pagak at hinablot siya sa braso nang mahigpit kaya napangiwi si Reinna. Lalo pa at nakaramdam siya ng sakit mula roon.

“Wala na akong panahon pa para magpaliwanag sa iyo my dear ex-wife. What I have said earlier to you, ay lumayas ka na rito ngayon din. So go upstairs, pack your things and leave. Bago pa kita ipakaladkad sa mga bodyguard ko palabas at wala kang madala ni isa sa mga gamit mo!” sigaw ni Jacob sa tainga niya na halos ikabingi niya. Marahas din siya nitong binitawan sa braso kaya nawalan siya ng balanse at natumba sa sahig.

Napapikit sandali si Reinna dahil nakaramdam siya ng sakit sa balakang niya. Hayop na Jacob ‘to walang awa! Mas naging demonyo pa ito ngayon dahil nagawa siyang saktang ng ex-husband niya sa unang pagkakataon.

Pagdilat niya ng mga mata ay nakita niya ang impaktang ngiti ni Angela sa tabi ni Jacob. Tila tuwang-tuwa pa ito sa pang-aalipusta sa kanya ni Jacob.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Patikim, Ninang   Chapter 6.

    Pag-alis ni Z ay napaupo si Reinna sa sofa. Napahilamos siya ng palad sa mukha niya. Tila ba pagod na pagod siya ngayong araw. Sino ba naman ang hindi mapapagod kung sobrang na-stress siya ngayon. Nilibot niya ang tingin sa apartment. Maliit lang ito pero maayos naman. Okay na ito kaysa sa malaking bahay na masasamang ugali naman ang nakatira gaya sa mansion ng mga Salazar. Napangiti siya nang mapakla. Parang gusto niyang uminom ngayon para makatulog siya agad, masakit ang ulo niya sa dami ng iniisip niya. Hindi naman kasi siya makapag-isip ngayon nang maayos. Kaya gusto niyang makalimot saglit. At sa tingin niya makakatulong ang alak ngayon sa magulo niyang pag-iisip. Z Napapangiti si Z habang nasa grocery store siya at pumipili ng mga bibilhin na pagkain. Kailangan ito ngayon ng Ninang Rei niya. Bumili na siya ng bigas at mga karne pati na rin ng mga gulay. Pati kaldero, plato, kutsara, sandok at iba pang gamit sa kusina ay bumili na rin siya. Nakita niya kasi kanina na wal

  • Patikim, Ninang   Chapter 5.

    Tinaasan ng kilay ni Reinna ang inaanak dahil mukhang alam na alam nito ang lugar. Bihira niya lang kasi ito makita dahil ang alam niya ay busy ito sa pag-aaral. Isa pa bihira lng din naman kasi kung magkita sila ng mga kaibigan niya at kasama itong si Z. Hindi na siya nakakapag-bonding ng mga ito simula nang mag-asawa na sila noon ni Jacob. Ingat na ingat kasi siya na hindi makagawa ng kahit isang mali lang dahil sa bantahera na ina ng ex-husband niya. Napalingon si Reinna sa mga gamit na naglalakihang carton. Problema niya ngayon ay ang sasakyan. Siguro mag-aarkila na lamang siya ng canter truck. Alangan naman kasi na tricycle, hindi naman kakasya ang mga gamit sa dami. “Aling Stela, pasuyo po muna ako sa inyo. Pakibantayan po muna saglit itong mga gamit at maghahanap lang po ako ng sasakyan na pwedeng maghakot nitong mga gamit. Titinginan ko rin po ang apartment na nakita ni Z,” aniya rito. “Naku, Ma’am, wala pong problema, ako po muna bahala rito,” sagot naman ng dating k

  • Patikim, Ninang   Chapter 4.

    Malapit na ang taxi na sinasakyan ni Reinna sa lumang bahay ng mga magulang niya nang matanaw niya ang ilang kalalakihan na nasa labas ng bahay. At hindi lang iyon, dahil nakuha ang atensyon niya sa ilang malalaking carton na nasa labas ng gate. “Manong, pakitabi lang po riyan,” ani Reinna sa taxi driver. Mabilis siyang kumuha ng pambayad sa pitaka niya at inaabot ito sa driver. Tinulungan din siya nitong maibaba ang dala niyang dalawang maleta na nasa compartment sa likod ng taxi. “Salamat po,” aniya. “Ma’am Reinna! Ma’am Reinna!” Napalingon si Reinna at nakita niya si Aling Stela na nagkukumahog na lumapit sa kanya. Umiiyak ito kaya nabahala siya. “Aling Stela, ano po nangyayari rito? Bakit may mga malalaking carton dito sa labas ng gate? Saka bakit po kayo umiiyak?” kunot noong tanong niya sa matanda. Ito ang caretaker ng bahay ng mga magulang niya at pinapasahod niya ito sa mula sa allowance na naipon niya na binibigay sa kanya ng biyenan niyang lalaki noong hindi pa

  • Patikim, Ninang   Chapter 3.

    Sa takot ni Reinna na baka nga totohanin ni Jacob ang banta nito ay mabilis siyang tumayo, kahit pa nanakit ng husto ang balakang niya dahil sa pagkabagsak sa sahig gawa ng pagtulak sa kanya ng lalaki. Pagtalikod niya ay agad na tumulo ang ilang butil ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Tahimik na tinahak niya ang hagdan paakyat habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi na niya ininda ang masakit na balakang at nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa makarating siya sa kwarto. Wala siyang sinayang na sandali at agad niyang kinuha ang dalawang malaking maleta saka iyon binuksan. Pumasok na rin siya sa walk-in-closet at kinuha ang sarili niyang mga gamit— mga gamit na kanya talaga at hindi binili ng sira ulo niyang asawa. Napalingon si Reinna nang bumukas ang pinto ng walk-in-closet at pumasok doon ang kasambahay na si Anna. Malungkot ang mukha na tumingin sa kanya ang dalagita at tila ba hindi sang-ayon sa pag-alis niya. “Tulungan ko na raw po kayo Ma’am Reinn sabi ni Sir Jacob.

  • Patikim, Ninang   Chapter 2.

    “This is ridiculous Jacob!” sigaw ni Reinna sa pagmumukha ng dati niyang asawa habang kaharap ito sa sala ng mansion ng mga Salazar. Ito ang naging reaksyon niya matapos niyang marinig ang sinabi ng attorney. Na lahat daw ng mga ari-arian ng mga magulang niya ay mapupunta lahat kay Jacob at sa kanya ni isa ay wala, kahit pa ba na pinaghirapan ito na ipundar ng mga magulang niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ng abogado Reinna o baka hindi mo naiintindihan at gusto mo isa-isahin ko pa sa iyo?” ani Jacob at sarkastikong tumawa. “Buhay pa lang ang ama mo Reinna ay lulong na siya sa utang sa pamilya ko, kay daddy. Pero dahil may share siya sa kumpanya at kaibigan ni dad ay hinayaan lang ito ng ama ko. Hanggang sa namatay na lang ang mga magulang mo ay hindi pa rin nila nagawang bayaran ang mga utang na iyon. Dahil iyon sa bisyo ng iyong ama, babae at sugal sa casino,” ani pa nito sa kanya. “At ngayong sinabi ng doctor na maliit na lang ang chansa na mabuhay si dad at hiwalay na ri

  • Patikim, Ninang   Chapter 1.

    “Finally, our marriage has been annulled after three years of waiting,” nakangising sabi ng ex-husband ni Reinna na si Jacob, matapos nitong ilapag sa mesa ang hawak na approved annulment ng kanilang kasal.Samantalang siya ay shock pa rin sa pangyayari kahit pa alam naman niyang matagal ng naka-process ang annulment nila ni Jacob. At habang pinoproseso ang annulment nila ay sapilitan siya nitong pinalayas sa bahay nilang mag-asawa, pero nagmatigas siya at pinaglaban pa rin ang karapatan niya. Kahit pa harap-harapan na siyang ginagago ng asawa niya kasama ang kabit nitong si Angela na akala mo isang anghel pero demonyeta pala. Idagdag pa ang biyenan niyang reyna ng mga demonyeta. Umpisa pa lang kasi na ipinagkasundo sila ng kasal ni Jacob ay tutol na sa kanya ang biyenan niyang babae na akala mo ito ang ikakasal. Tanging ang biyenan lang niyang lalaki ang tumanggap sa kanya sa pamilya ng mga ito. Pero sa kasamaang palad ay nasa ospital ito dahil na stroke. Tapos natumba pa ito at may

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status