LOGINSa takot ni Reinna na baka nga totohanin ni Jacob ang banta nito ay mabilis siyang tumayo, kahit pa nanakit ng husto ang balakang niya dahil sa pagkabagsak sa sahig gawa ng pagtulak sa kanya ng lalaki.
Pagtalikod niya ay agad na tumulo ang ilang butil ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Tahimik na tinahak niya ang hagdan paakyat habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi na niya ininda ang masakit na balakang at nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa makarating siya sa kwarto. Wala siyang sinayang na sandali at agad niyang kinuha ang dalawang malaking maleta saka iyon binuksan. Pumasok na rin siya sa walk-in-closet at kinuha ang sarili niyang mga gamit— mga gamit na kanya talaga at hindi binili ng sira ulo niyang asawa. Napalingon si Reinna nang bumukas ang pinto ng walk-in-closet at pumasok doon ang kasambahay na si Anna. Malungkot ang mukha na tumingin sa kanya ang dalagita at tila ba hindi sang-ayon sa pag-alis niya. “Tulungan ko na raw po kayo Ma’am Reinn sabi ni Sir Jacob. Narinig ko po kasi na minamadali na siya ni Angela bruha na paalisin ka rito,” napasimangot na sabi ni Anna. Napatiim-bagang si Reinna nang marinig niya ang pangalan ni Angela. Ang demonyetang babae na iyon ay hindi na makapaghintay! Kabit lang naman pero kung umasta akala mo ikinasal na sa ex-husband niya. “Dito mo na ilagay deretso sa maleta, Ann,” aniya sa kasambahay. Mabait ito at lagi niyang kasangga sa mansion na ito. Kung hindi lang dahil sa pangangailangan nito ng pera para sa pamilya ay matagal na rin sanang umalis sa mga Salazar si Anna. Pero alam niya na nagtitiis ang dalagita dahil sa pera na sinasahod lalo pa at may pinapag-aral itong mga kapatid sa probinsya. “Sasama na lang kaya ako sa iyo Ma’am Reinna,” mungkahi nito. Tiningnan ni Reinna si Anna na ngayon ay parang maiiyak na dahil sa aalis na siya sa mansion. “Hindi pwede, Anna. Wala akong pera na pampasahod sa iyo. Isa pa hindi ko rin alam kung makakahanap ba agad ako ng mapapasukan lalo na at may edad na ako. Lagpas kalendaryo na tapos wala pang karanasan ni isa sa trabaho sa labas,” malungkot niyang sabi saka isinara ang maleta. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Kung pwede niya lang sana na kunin itong si Anna ay gagawin niya. “Mag-iingat ka Ma’am ha. At kapag yumaman ka na huwag mong kalimutan na kunin ako rito sa mga demonyetang amo ko,” sabi nito na naiiyak na natatawa. Kaya maging siya ay emosyonal ngunit natatawa rin dahil sa sinabi nito. Niyakap muna nila ang isa’t isa at inilibot ni Reinna ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Ito na ang huling beses na masisilayan niya ito. Palabas na sana sila ni Anna nang biglang bumukas ang pinto. Nakapameywang na bumungad sa kanila si Angela. “Bakit ang tagal mo ha, Reinna? Ano pa ba ang kinuha mo bukod sa mga damit mo lang?” mataray na sita sa kanya ng babae. “Wala kang pakialam kung natagalan man ako. And for your information, tanging mga sariling gamit ko lang ang dinala ko,” palaban na sagot ni Reinna kay Angela. “Maganda na iyong malinaw Reinna. At saka bilisan mo na ang kilos mo dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo," pairap nitong sabi. "And thank you nga pala, dahil sa wakas ako na ang titira rito sa mansion. Hindi na ang kagaya mong walang silbi!” Humigpit ang hawak ng kamay ni Reinna sa maleta niya. Tila nagpantig ang tainga niya sa narinig. Kaya kailangan na niyang umalis dito bago pa mapatid ang pagtitimpi niyang sabunutan ang babaeng ‘to at ilampaso ang pagmumukha nito sa sahig! “And oh, one more thing nga pala, dear. Invited ka sa engagement party namin ni Jacob at lalong invited ka sa aming nalalapit na kasal,” nakangising sabi ng bruha. Parang may tumusok na karayom sa dibdib ni Reinna sa sinabi nito. Hindi na niya pinansin si Angela at hinila na niya ang isang maleta saka bumaba ng hagdan. Nakasunod naman sa kanyang likuran si Anna sa na bitbit din ang isang malaking maleta niya. Pagbaba ng hagdan ay naabutan niya sa living area ang biyenan niyang babae. Maldita itong nakatitig sa kanya at kulang na lang ay hilahin na siya palabas ng mansion. Sobrang sama ng ugali talaga na tiniis niya sa mahabang taon dahil sa respeto niya bilang asawa ng anak nito. “I hope ito na ang huli nating pagkikita. Nakakaawa ka Reinna, siguradong hindi mo alam saan ka pupulutin ngayon,” pang-uuyam ng matanda sa kanya. Sarkastika siyang ngumiti at humarap sa matanda. “Alam mo kung sino ang mas nakakaawa sa ating dalawa ma?" aniya sabay ngiti ng mapakla. "Ikaw, iyon. Ikaw, kasi matanda ka na nga pero masama pa rin ang ugali mo!” palaban niyang sagot kahit nasa tabi nito si Jacob. Wala siyang pakialam. Total aalis na siya sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Makabawi man lang siya kahit sa masakit na salitang ibabato niya rito. “Don’t talk to my mother like that, Reinna. She is still your mother-in-law!” duro ni Jacob sa kanya. “Ex-mother-in-law Jacob! Mother-in-law na sana hindi na lang nangyari dahil pinagsisisihan ko lahat. At ayusin mo iyang mga salita mo. Hiwalay na tayo,” singhal niya sa dating asawa. “Bastos! Walang modo kang babae ka! Dapat lang talaga na hiniwalayan ka na ng anak ko!” akmang sasampalin siya nito pero sinangga niya ang kamay ng matanda kaya nabitin ito sa ere. Ilang beses na siya nitong napagbuhatan noon ng kamay, pati ba naman ngayon? Aalis na nga lang siya sasaktan pa rin siya. Marahas niyang binitawan ang kamay nito na muntik na nitong ikatumba. Mabuti na lang at nasa likod nito si Jacob na ex-husband niya. “You bitch!” sigaw sa kanya ni Jacob at matalim siyang tinitigan. “Wala kang respeto! Layas!” namumula sa galit na sigaw ng matandang ex-biyenan ni Reinna. Napangisi naman si Reinna sa loob-loob niya. Talagang aalis siya sa impyernong mansion na ito. Bumaling siya kay Anna at kinuha niya ang isang maleta niya. “Ihatid na kita sa labas Ma’am Reinna,” ani nito na hinawakan pa siya sa kamay at ayaw bitawan ang maleta niya. Pero ayaw niyang mapagalitan si Anna kaya umiling siya. “Huwag mong tulungan ang babaeng iyan, Anna kung ayaw mo na sesantihin kita sa trabaho mo at paalisin dito sa pamamahay ko!” gigil na bulyaw ng matanda kay Anna. Ngumiti naman si Reinna kay Anna at tinanguan ito. Ayaw niya na madamay rito si Anna, kaya kinuha na niya ang maleta sa kamay nito. Walang lingon likod na naglakad siya palabas sa mansion hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas sa malaking gate ng mga Salazar.. Naglakad pa si Reinna hanggang sa makarating siya sa main gate ng subdivision kahit may kalayuan mula sa mansion ng mga Salazar. Agad niyang pinara ang isang taxi na buti na lang ay saktong dumaan. Kinontrata niya ito at nagpahatid sa lumang bahay ng parents niya.REINNA “Wow, almusal! Tamang-tama hindi pa ako nag-almusal,” sambit ni Kyle nang mapatingin ito sa mesa. Napangiti naman si Reinna sa binata nang tumingin ito sa kanya. “Tita, pwede bang makikain muna rito?” tanong ni Kyle. “Yes.” “No!” Magpanabay sa bigkas nina Reinna at Z sa magkaibang sagot nila sa tanong ni Kyle. “Thank you, Tita. Ang bait nyo at ang ganda-ganda nyo pa po,” papuri ni Kyle habang may malapad na ngisi sa labi. “Kakain ka lang naman ng libre dami mo pang sinasabi,” inis na singit ni Z at tumalikod sa kanila. Tiningnan naman ni Reinna ang inaanak niya dahil bigla atang uminit ang ulo nito kay Kyle. E, kaibigan naman nito ang binata. Mahinang napabuntong hininga si Reinna at inaya na si Kyle sa mesa para mag-almusal. Iniwan na rin kasi sila ni Z at nauna na ito sa kanila. “Thanks sa plato, dude,” wika ni Kyle nang ilapag ni Z ang plato sa mesa. Akmang uupo na sana si Kyle nang pigilan ito ni Z. “Opss! Kay ninang Rei pwesto ‘yan diyan. At iyong plato? Andun
Paglabas ni Reinna ng banyo ay nagulat pa siya nang mabungaran niya si Z na nakatayo ngayon sa harap ng banyo. Hubad baro pa rin ito sa pang itaas at nakabalandra ang magandang katawan ng binata.Napahigpit ang hawak ni Reinna sa tuwalyang nakatapis sa katawan niya lalo pa at nakita niya ang malagkit na titig sa kanya ni Z.“Pwede ba Z? Magdamit ka naman!” sita niya na ikinangisi lang nito.“Why, Ninang? Seeing me like this turns you on?” mapang-akit nitong sabi habang nakataas ang isang sulok ng labi.Napalunok si Reinna. Jusko, ano ba itong nangyayari sa kanya. Hindi ito maaari!“You’re so beautiful, Ninang Rei,” malambing na boses ni Z at bigla siyang hinapit sa beywang saka siniil ng halik sa mga labi.Pilit na nagpupumiglas si Reinna pero isang kamay lang ang gamit niya dahil mahigpit na nakahawak sa tuwalya ang isa pang kamay niya. Kinakabahan siya na baka bigla iyong mahulog, wala pa man din siyang suot na kahit ano sa ilalim.Mapusok ang halik ni Z kahit hindi siya tumutugon.
“Kamusta ang pakiramdam mo, Ninang?” tanong pa ni Z sa kanya nang makalapit ito. Pero wala roon ang atensyon niya kundi nasa katawan nitong nakabalandra sa harapan niya. Pasimpleng napakagat labi si Reinna dahil sa ganda ng tanawin na nakikita niya. Ang matipunong dibdib ni Z at ang matigas nitong mga pandesal sa katawan. Moreno si Z at maganda ang kulay ng balat. Matangkad din ito na nagmana sa daddy nito. “Pwede nyo namang haplusin ang mga ito kung gusto niyo, ninang,” nakangiting saad ni Z. Napapitlag na lang siya nang kinuha ni Z ang kamay niya at inilapat sa matigas nitong dibdib ang palad niya. Ginabayan ni Z ang kamay niya at pinadausdos pababa sa abs nito. Ramdam ni Reinna ang init ng balat nito sa palad niya, pero dahil sa ginawa nito kaya bumalik siya sa wisyo. Mabilis niyang hinila ang kamay niya na para bang napaso ng apoy. “What are you doing Z?” namumulang sita niya sa binata sabay iwas ng tingin dito “Bakit ninang, ayaw mo ba?” tanong pa nito. “No, I don't!
ZBumaba si Z sala at nilinisan ang sahig na nasukahan din kanina ng Ninang niya. Sunod naman ay iniligpit niya ang ilang piraso ng bote ng alak na naubos nito. Pinunasan niya ang lamesa at nilabhan na rin niya ang suit na t shirt na may konting suka ng Ninang Rei niya.Nang matapos ay inayos ni Z ang sarili sa sofa at doon na siya humiga. Kanina pa siya nakangiti na parang baliw. Natikman na niya ang Ninang niya at nakakaadik ang lasa nito. Parang nalalasahan pa niya ang matamis nitong katas sa dila at bibig niya. Parang gusto niyang umakyat at sisirin ito ulit pero nagmukha naman siyang rapist kapag ganun ginawa niya, lalo pa at mahimbing na itong natutulog. At least kanina gising pa ito at alam nito ang ginawa niya rito. “Bukas kaya, maaalala pa kaya nito ang kapangahasang ginawa niya rito?” kausap niya sa sarili. Naalala niya ang sinabi kanina ng mommy niya. Kapag lasing na lasing ang Ninang niya ay hindi nito naaalala ang ginagawa. Pero paano kung maalala nito bukas ang ginawa n
REINNA“Hmmn, ang bango mo, Ninang,” sambit nito at inamoy siya sa bandang leeg na naghatid sa kanya ng kakaibang kilabot sa katawan. Tila manyakis ito tignan pero kakaiba ang epekto sa kanya.“Shut up, Z! At umalis ka diyan sa ibabaw ko,” aniya at pilit na tinutulak ang binata pero kulang ang lakas niya. Lalo pa nang maramdaman niya ang pagdiin ng matigas na katawan nito sa ibabaw niya.“Let's both shut up, Ninang,” sambit ni Z at muling kinuyumos ng halik ang mga labi niya.Nagpumilit na magpumiglas si Reinna pero walang kahirap-hirap na hinuli ni Z ang dalawang kamay niya at ipininid sa ulunan niya. Walang nagawa si Reinna sa lakas ng inaanak niya lalo pa at may kung anong init na nagsimulang mabuhay sa kaloob-looban niya.Alam niyang mali ang ginagawa nila pero pati ata ang utak niya ay hindi na gumagana dahil sa init na nagsimulang tumupok sa katinuan niya. Idagdag pa ang espirito ng alak na nilalamon ang tamang pag-iisip niya.ZSekretong napangiti si Z nang hindi nagtagal ay tu
Nawindang si Reina sa ginawa ng inaanak niya. Paano siya nito nagawang halikan ng ganun? At paano nito sinasabing gusto siya nito? For God’s sake! Ninang siya nito at inaanak niya ito! Napahilamos ng mukha si Reinna. Pakiramdam niya mas lalo ata siyang nalasing at sumakit lalo ang ulo niya. “Maniwala ka sa akin, Ninang. Mahal kita, mahal kita higit pa sa pagiging inaanak mo,” wika pa ni Z at akmang yayakapin siya nito nang bigla siyang tumayo. Dahil lasing at dala ng umiikot niyang paningin ay biglang natumba si Reinna. Pero maagap siyang nahagip ni Z at nahawakan sa beywang niya kaya napasubsob siya sa matigas nitong dibdib. Hindi lang siya nahihilo kundi nasusuka na rin siya. Kaya naman hindi niya napigilan at bigla siyang nasuka. Nasukahan pa niya sa dibdib si Z. “Hey, Ninang! Are you okay?” Nag-aalalang tanong sa kanya ni Z, pero bumitaw siya rito at napaupo muli sa sofa habang sapo-sapo niya ng kamay ang noo. “Uminom muna kayo ng tubig, Ninang,” wika ni Z at inab







