Share

Chapter 5.

Penulis: Ciejill
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-26 18:22:39

Tinaasan ng kilay ni Reinna ang inaanak dahil mukhang alam na alam nito ang lugar.

Bihira niya lang kasi ito makita dahil ang alam niya ay busy ito sa pag-aaral. Isa pa bihira lng din naman kasi kung magkita sila ng mga kaibigan niya at kasama itong si Z. Hindi na siya nakakapag-bonding ng mga ito simula nang mag-asawa na sila noon ni Jacob. Ingat na ingat kasi siya na hindi makagawa ng kahit isang mali lang dahil sa bantahera na ina ng ex-husband niya.

Napalingon si Reinna sa mga gamit na naglalakihang carton. Problema niya ngayon ay ang sasakyan. Siguro mag-aarkila na lamang siya ng canter truck. Alangan naman kasi na tricycle, hindi naman kakasya ang mga gamit sa dami.

“Aling Stela, pasuyo po muna ako sa inyo. Pakibantayan po muna saglit itong mga gamit at maghahanap lang po ako ng sasakyan na pwedeng maghakot nitong mga gamit. Titinginan ko rin po ang apartment na nakita ni Z,” aniya rito.

“Naku, Ma’am, wala pong problema, ako po muna bahala rito,” sagot naman ng dating katiwala.

Subalit paglingon ni Reinna ay wala na si Z sa likuran niya. Pero maya-maya lang ay may tumawag sa kanya. Kasabay ng paghinto ng kotse sa gilid niya.

“Ninang, tara na po,” agaw pansin ni Z na nakadungaw sa bintana ng sasakyan.

“Huh?! Saan?”

“Di ba pupuntahan mo iyong apartment at maghahanap ka ng truck na pwedeng maghakot ng mga gamit?” tanong pa nito kaya tumango na lang siya. “Tara na po, sasamahan ko na kayo.”

“Z, kaya ko na ‘to. Umuwe ka na lang at hapon na, baka hinahanap ka na ng mommy mo,” aniya.

“Tinataboy mo ba ako ninang?”

“H-Ha? Hindi ganun iyon Z, baka lang kasi magtaka ang mommy mo na hindi ka pa nakakauwi,” sabi niya na biglang nakonsensya nang makita na biglang nalungkot ang gwapong mukha ng inaanak niya.

“Don’t worry about mom, ninang. Baka nga pupunta pa iyon dito agad kapag malaman niya ang nangyari sa'yo,” ani nito.

Napabuntong hininga si Reinna kaulan ay sumakay rin siya sa kotse nito.

“By the way, ano po ba nangyari ninang? Binenta mo na ba iyong bahay nyo?” tanong pa ni Z habang nagmamaneho.

Muling napahugot nang malalim na buntong-hininga si Reinna at nagsimulang magkwento sa inaanak niya.

“Talaga ninang, hiwalay na kayo ng asawa mo? Talagang annulled na ang kasal nyo ninang?” tanong pa muli ni Z nang sunod-sunod.

“Yes,” walang gana niyang sagot.

“Mabuti naman kung ganun,” mahinang sambit nito na narinig niya, kaya napalingon siya rito. Nakita niya ang nakapaskil na ngiti sa mga labi ni Z. Bakit parang nasisiyahan pa ito na malamang hiwalay na siya sa asawa niya? Napailing na lang siya.

“Sigurado ka bang available pang upahan itong apartment na ito Z?”

Kanina pa kasi sila nagdo-doorbell sa bahay nitong may-ari na tinuro ng napagtanungan nila kanina pero wala namang may lumalabas. Nasa tapat lang naman ng apartment na ito ang bahay ng may-ari.

“Z, I think walang tao, kaya tara na,” aniya at inaya na si Z pero biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang ginang.

“Magandang araw ho, available pa po ba itong apartment nyo para upahan?”

“Ay oo hija, pasensya na pala at naghintay kayo. Nagluluto kasi ako at hindi ko maiwan kanina,” anang may-ari. “Kayong mag-asawa ba ang uupa riyan sa apartment ko? Naku, swerte ninyo kasi bagong patayo ko iyan at kayo ang una kung sakaling magustuhan nyo na mag-asawa,” wika nito na siyang ikinalaki ng mga mata ni Reinna.

Anak ng tokwa, napagkamalan pa silang mag-asawa ng inaanak niya! Mukha ba siyang asawa itong batang kasama niya? Jusko!

“Naku, hi—”

“Yes po, Nay. Kaming mag-asawa po ang uupa," napahinto sa pagsasalita si Reinna nang putulin ni Z ang dapat sana ay sasabihin pa niya.

"Bagong kasal po kami nitong asawa ko at gusto namin na bumukod ng bahay,” walang preno na sabi pa ni Z sa babaeng may-ari at hinapit pa siya sa beywang ng loko niyang inaanak.

Pinanlakihan naman ni Reina ng mata si Z pero hindi siya nito pinansin. Kaya pasimple niya itong kinurot sa likod, pero imbes na likod ay pwet nito ang nakurot niya. At imbes na masaktan si Z sa ginawa niya ay mukhang natuwa pa ito.

“Oh siya sige, pwede na kayong lumipat ngayon din,” wika ng matanda.

“Magkano po ang monthly nitong apartment nyo, Nay?” tanong ni Reinna.

“Seven thousand kada buwan. Kasama na ang tubig at kuryente. Bale mag-down payment lang kayo ng 1 month advance at 1 month deposit. Tapos pwede na kayong tumira riyan sa apartment.”

Sa isip-isip ni Reina, mura na ito. Lalo pa at kasama na ang tubig at kuryente. Ganun naman talaga ang takbo ang paupahang apartment ngayon ang iba nga mas mahal pa kung tutuusin.

“Sige ho, kukunin ko po.”

“Namin po,” sabat ni Z sa tabi niya. Nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ang may-ari pero ngumiti rin.

“Teka sandali at kukunin ko lang iyong susi.”

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Z?” mariing sabi ni Reinna kay Z pagtalikod ng matanda.

“Huh? Wala pa naman akong ginagawa, ninang,” sagot nito sa kanya at kunwari ay walang alam.

“Bakit mo sinabi na mag-asawa tayo ha?”

“Hindi ako ang nagsabi niyan ninang, iyong may-ari,” depensa ni Z.

“Na sinakyan mo naman?” nginitian lang siya ni Z kaya napa facepalm si Reinna. Dami-dami ng iniisip niya, pasaway pa itong inaanak niya.

Matapos ibigay ng may-ari sa kanya ang susi ng apartment ay siya namang pagdating ng truck na inarkila niya sa tulong ni Z. Ito ang naghakot ng mga gamit ng parents niya.

Binayaran na rin niya ang driver at helper matapos maibaba at maipasok sa loob ang ilang malalaking carton. Sala at kitchen at banyo rito sa baba at nasa taas ang isang kwarto.

“Maraming salamat po Ma’am,” wika ng driver at umalis na rin.

“Thank you rin.”

“Aling Stela, para po sa inyo,” wika ni Reinna at may iniabot na pera sa matanda.

“Naku, Ma’am, huwag na po. Kakalipat nyo lang ng apartment at mas kailangan nyo po iyan,” tanggi ng matanda.

“Ayos lang ho, Aling Stela, sige na po tanggapin nyo na,” aniya at pinilit na ibigay rito ang pera.

Maliit man pero alam niyang makakatulong din iyon, lalo pa at wala na itong masasahod kada buwan dahil wala na iyong bahay na binabantayan nito. Kinuha na ng sira ulo niyang asawa.

“Maraming salamat Ma’am. Tulungan ko na rin kayong mag-ayos ng mga gamit Ma’am,” presenta pa nito pero umiling siya.

“Salamat, pero kaya ko na po ito. Tatawagan ko na lang po kayo kapag kailangan ko po ng tulong ninyo,” aniya.

Pagkaalis ni Aling Stela ay binalingan naman ni Reinna si Z na ngayon ay prenting nakaupo sa sofa.

“Ikaw Z, umuwe ka na rin at baka hinahanap ka na ng mommy mo,” aniya sa inaanak.

“Maaga pa naman ninang, baka pwedeng mamaya na lang,” sagot nito.

“No, Z umuwe ka na, huwag matigas ang ulo, okay? And please don't tell to your mom ang nangyari sa akin. Saka na kapag okay na ako,” bilin niya sa binata. Kilala pa naman niya ang kaibigan. Siguradong sesermonan na naman siya ni Harlie at siguradong susugod iyon agad dito kapag malaman nito ang nangyari sa kanya, hindi lang ito kundi maging ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Julie at Liezl. Kaya sana lang talaga huwag magsumbong itong inaanak nya sa mommy nito. Mukhang matigas pa naman ulo nito.

Sa kanilang magkakaibigan kasi si Harlie ang mas matanda 38 na ito at 17 years old noong nabuntis. Kaya ngayon ay may binatang anak na ito at iyon ay si Z na 21 years old na. Ang dalawa pa niyang kaibigan ay sina Juls at Liezl na same ang edad 36 at siya ay 35 ang pinakabata.

Napatingin si Reinna kay Z nang hindi ito sumagot, bagkus tumayo ito at lumapit sa kanya.

“Hindi naman matigas ang ulo ko ninang, pero ang ulo ko sa baba matigas na kanina pa,” seryosong sabi nito na ikagulat niya.

Napaatras pa siya hanggang sa bumangga ang likod niya sa mesa.

“Anong ginagawa mo Z?” tarantang tanong ni Reinna dahil tila nag-iba ang mukha ng inaanak niya. Naging seryoso ito at kakaiba ang tingin sa kanya.

“Sige po ninang, aalis po muna ako sandali. Babalik din po ako mamaya,” wika ni Z. Hindi na siya nakapagsalita pa nang mabilis itong lumabas ng apartment.

Ipinilig ni Reinna ang ulo niya sa sinabi ni Z sa kanya. Bakit ganun na lang ang salita nito. Napabuntong hininga na lang siya. Nagbibiro lang siguro iyon. Pero kahit na hindi magandang biro iyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Ciejill
hahahaha tigas ulo ni Z
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
pero sa ibabang ulo matigas na.....
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
di daw matigas ulo niya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Patikim, Ninang   Chapter 14.

    REINNA “Wow, almusal! Tamang-tama hindi pa ako nag-almusal,” sambit ni Kyle nang mapatingin ito sa mesa. Napangiti naman si Reinna sa binata nang tumingin ito sa kanya. “Tita, pwede bang makikain muna rito?” tanong ni Kyle. “Yes.” “No!” Magpanabay sa bigkas nina Reinna at Z sa magkaibang sagot nila sa tanong ni Kyle. “Thank you, Tita. Ang bait nyo at ang ganda-ganda nyo pa po,” papuri ni Kyle habang may malapad na ngisi sa labi. “Kakain ka lang naman ng libre dami mo pang sinasabi,” inis na singit ni Z at tumalikod sa kanila. Tiningnan naman ni Reinna ang inaanak niya dahil bigla atang uminit ang ulo nito kay Kyle. E, kaibigan naman nito ang binata. Mahinang napabuntong hininga si Reinna at inaya na si Kyle sa mesa para mag-almusal. Iniwan na rin kasi sila ni Z at nauna na ito sa kanila. “Thanks sa plato, dude,” wika ni Kyle nang ilapag ni Z ang plato sa mesa. Akmang uupo na sana si Kyle nang pigilan ito ni Z. “Opss! Kay ninang Rei pwesto ‘yan diyan. At iyong plato? Andun

  • Patikim, Ninang   Chapter 13.

    Paglabas ni Reinna ng banyo ay nagulat pa siya nang mabungaran niya si Z na nakatayo ngayon sa harap ng banyo. Hubad baro pa rin ito sa pang itaas at nakabalandra ang magandang katawan ng binata.Napahigpit ang hawak ni Reinna sa tuwalyang nakatapis sa katawan niya lalo pa at nakita niya ang malagkit na titig sa kanya ni Z.“Pwede ba Z? Magdamit ka naman!” sita niya na ikinangisi lang nito.“Why, Ninang? Seeing me like this turns you on?” mapang-akit nitong sabi habang nakataas ang isang sulok ng labi.Napalunok si Reinna. Jusko, ano ba itong nangyayari sa kanya. Hindi ito maaari!“You’re so beautiful, Ninang Rei,” malambing na boses ni Z at bigla siyang hinapit sa beywang saka siniil ng halik sa mga labi.Pilit na nagpupumiglas si Reinna pero isang kamay lang ang gamit niya dahil mahigpit na nakahawak sa tuwalya ang isa pang kamay niya. Kinakabahan siya na baka bigla iyong mahulog, wala pa man din siyang suot na kahit ano sa ilalim.Mapusok ang halik ni Z kahit hindi siya tumutugon.

  • Patikim, Ninang   Chapter 12.

    “Kamusta ang pakiramdam mo, Ninang?” tanong pa ni Z sa kanya nang makalapit ito. Pero wala roon ang atensyon niya kundi nasa katawan nitong nakabalandra sa harapan niya. Pasimpleng napakagat labi si Reinna dahil sa ganda ng tanawin na nakikita niya. Ang matipunong dibdib ni Z at ang matigas nitong mga pandesal sa katawan. Moreno si Z at maganda ang kulay ng balat. Matangkad din ito na nagmana sa daddy nito. “Pwede nyo namang haplusin ang mga ito kung gusto niyo, ninang,” nakangiting saad ni Z. Napapitlag na lang siya nang kinuha ni Z ang kamay niya at inilapat sa matigas nitong dibdib ang palad niya. Ginabayan ni Z ang kamay niya at pinadausdos pababa sa abs nito. Ramdam ni Reinna ang init ng balat nito sa palad niya, pero dahil sa ginawa nito kaya bumalik siya sa wisyo. Mabilis niyang hinila ang kamay niya na para bang napaso ng apoy. “What are you doing Z?” namumulang sita niya sa binata sabay iwas ng tingin dito “Bakit ninang, ayaw mo ba?” tanong pa nito. “No, I don't!

  • Patikim, Ninang   Chapter 11.

    ZBumaba si Z sala at nilinisan ang sahig na nasukahan din kanina ng Ninang niya. Sunod naman ay iniligpit niya ang ilang piraso ng bote ng alak na naubos nito. Pinunasan niya ang lamesa at nilabhan na rin niya ang suit na t shirt na may konting suka ng Ninang Rei niya.Nang matapos ay inayos ni Z ang sarili sa sofa at doon na siya humiga. Kanina pa siya nakangiti na parang baliw. Natikman na niya ang Ninang niya at nakakaadik ang lasa nito. Parang nalalasahan pa niya ang matamis nitong katas sa dila at bibig niya. Parang gusto niyang umakyat at sisirin ito ulit pero nagmukha naman siyang rapist kapag ganun ginawa niya, lalo pa at mahimbing na itong natutulog. At least kanina gising pa ito at alam nito ang ginawa niya rito. “Bukas kaya, maaalala pa kaya nito ang kapangahasang ginawa niya rito?” kausap niya sa sarili. Naalala niya ang sinabi kanina ng mommy niya. Kapag lasing na lasing ang Ninang niya ay hindi nito naaalala ang ginagawa. Pero paano kung maalala nito bukas ang ginawa n

  • Patikim, Ninang   Chapter 10.

    REINNA“Hmmn, ang bango mo, Ninang,” sambit nito at inamoy siya sa bandang leeg na naghatid sa kanya ng kakaibang kilabot sa katawan. Tila manyakis ito tignan pero kakaiba ang epekto sa kanya.“Shut up, Z! At umalis ka diyan sa ibabaw ko,” aniya at pilit na tinutulak ang binata pero kulang ang lakas niya. Lalo pa nang maramdaman niya ang pagdiin ng matigas na katawan nito sa ibabaw niya.“Let's both shut up, Ninang,” sambit ni Z at muling kinuyumos ng halik ang mga labi niya.Nagpumilit na magpumiglas si Reinna pero walang kahirap-hirap na hinuli ni Z ang dalawang kamay niya at ipininid sa ulunan niya. Walang nagawa si Reinna sa lakas ng inaanak niya lalo pa at may kung anong init na nagsimulang mabuhay sa kaloob-looban niya.Alam niyang mali ang ginagawa nila pero pati ata ang utak niya ay hindi na gumagana dahil sa init na nagsimulang tumupok sa katinuan niya. Idagdag pa ang espirito ng alak na nilalamon ang tamang pag-iisip niya.ZSekretong napangiti si Z nang hindi nagtagal ay tu

  • Patikim, Ninang   Chapter 9.

    Nawindang si Reina sa ginawa ng inaanak niya. Paano siya nito nagawang halikan ng ganun? At paano nito sinasabing gusto siya nito? For God’s sake! Ninang siya nito at inaanak niya ito! Napahilamos ng mukha si Reinna. Pakiramdam niya mas lalo ata siyang nalasing at sumakit lalo ang ulo niya. “Maniwala ka sa akin, Ninang. Mahal kita, mahal kita higit pa sa pagiging inaanak mo,” wika pa ni Z at akmang yayakapin siya nito nang bigla siyang tumayo. Dahil lasing at dala ng umiikot niyang paningin ay biglang natumba si Reinna. Pero maagap siyang nahagip ni Z at nahawakan sa beywang niya kaya napasubsob siya sa matigas nitong dibdib. Hindi lang siya nahihilo kundi nasusuka na rin siya. Kaya naman hindi niya napigilan at bigla siyang nasuka. Nasukahan pa niya sa dibdib si Z. “Hey, Ninang! Are you okay?” Nag-aalalang tanong sa kanya ni Z, pero bumitaw siya rito at napaupo muli sa sofa habang sapo-sapo niya ng kamay ang noo. “Uminom muna kayo ng tubig, Ninang,” wika ni Z at inab

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status