공유

Chapter 4.

작가: Ciejill
last update 최신 업데이트: 2025-10-26 18:20:54

Malapit na ang taxi na sinasakyan ni Reinna sa lumang bahay ng mga magulang niya nang matanaw niya ang ilang kalalakihan na nasa labas ng bahay. At hindi lang iyon, dahil nakuha ang atensyon niya sa ilang malalaking carton na nasa labas ng gate.

“Manong, pakitabi lang po riyan,” ani Reinna sa taxi driver. Mabilis siyang kumuha ng pambayad sa pitaka niya at inaabot ito sa driver.

Tinulungan din siya nitong maibaba ang dala niyang dalawang maleta na nasa compartment sa likod ng taxi.

“Salamat po,” aniya.

“Ma’am Reinna! Ma’am Reinna!”

Napalingon si Reinna at nakita niya si Aling Stela na nagkukumahog na lumapit sa kanya. Umiiyak ito kaya nabahala siya.

“Aling Stela, ano po nangyayari rito? Bakit may mga malalaking carton dito sa labas ng gate? Saka bakit po kayo umiiyak?” kunot noong tanong niya sa matanda. Ito ang caretaker ng bahay ng mga magulang niya at pinapasahod niya ito sa mula sa allowance na naipon niya na binibigay sa kanya ng biyenan niyang lalaki noong hindi pa ito na-coma. Binibigyan din naman siya noon ni Jacob kahit masama ang ugali nito.

“Ma’am, may dumating po rito na lalaki na may dalang attache case at nagpakilala na abogado raw ng asawa mo na si Sir Jacob,” wika ng ginang.

Binitawan ni Reinna ang dalawang maleta niya at napakuyom ang mga kamay niya.

“May kasama rin po siyang mga lalaki at mga kasambahay na siyang nagliligpit nitong mga gamit nyo rito sa bahay nyo Ma’am,” patuloy na sumbong ni Aling Stela sa kanya.

“Nasaan sila? Nasa loob pa ba?” tanong niya.

Magsasalita na sana si Aling Stela, nang matanaw ni Reinna ang dalawang kasambahay na pamilyar sa kanya. Palabas na sa gate ang dalawa habang buhat-buhat ang ilang mga gamit na galing sa loob ng bahay.

“Dito ka lang muna Aling Stela, sandali lang,” aniya at iniwan sa matanda ang dalawang maleta niya.

Kilala niya ang dalawang kasambahay. Ito ang mga kasambahay sa mansion ng mga Salazar. Kaya pala hindi niya nakikita ang mga ito kanina sa mansion kasi nandito pala.

“Sino ang nag-utos sa inyo na pumasok dito sa bahay ng mga magulang ko at ilabas ang mga gamit namin?” mahinahon na tanong ni Reinna nang makalabas na ang mga ito. Kahit ang totoo ay gusto niyang sigawan ang mga ito.

“Si S-Sir J-Jacob po Ma’am Reinna,” nakayukong sagot ng dalawa na nautal pa.

“Sorry Ma’am. Hindi po namin ito gusto, pero napag-utusan lang po kami,” kabadong sagot naman ng isa.

Humigpit ang pagpakuyom ng mga kamao ni Reina. "Hayop ka talaga Jacob!" nagpupuyos na sigaw niya sa isip.

Iniwanan niya ang dalawa at deretsong papasok na sana siya sa gate nang harangin siya ng dalawang lalaki.

“Ma’am, pasensya na po, pero hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob,” anang isang lalaki na sa tingin niya ay mga tao ni Jacob.

“Bahay ko ‘yan! Bahay ng mga magulang ko! Kaya papasok ako kung kailan ko gusto!” namumulang sigaw niya sa mga ito.

Tinulak niya ang dalawang lalaki pero hindi man lang natinag ang mga ito.

“Pasensya na talaga Ma’am. Bawal po kasi talaga kayong pumasok sa loob.”

“Umalis kayo riyan!” bulyaw ni Reinna.

“How about.... ikaw ang umalis?” natigilan si Reinna nang marinig niya ang baritonong boses sa kanyang likod. Napalingon siya at nakita niya ang kunot-noo na mukha ni Jacob.

“Anong kalokohan na naman ba ‘to Jacob?”

“Hindi kalokohan to Reinna,” ani nito at tumaas ang sulok ng labi.

“Pati ba naman ang bahay nina mom at dad kukunin mo? Wala akong matitirhan ngayon Jacob, kaya please lang. Huwag na pati itong bahay namin,” pakiusap niya sa dating asawa.

“Akala ko ba malinaw na ang naging usapan natin kanina kasama si attorney ha, Reinna? Malaki ang utang ng mga magulang mo sa daddy ko at kailangan nila magbayad! Dahil patay na rin naman na sila, kaya kukunin ko lahat ng mga naiwan nila. Naiintindihan mo ba?” mariin nitong sabi.

Napailing-iling naman si Reinna. Hindi siya makapaniwala na ganito kasakim ang lalaking pinakasalan at minahal niya ng ilang taon.

“Mukhang hindi ka pa ata nakamove-on sa annulment natin at hindi mo naintindihan kanina ang mga sinabi ng abogado,” ani pa nito na bahagyang natawa.

Nagawa pa talaga nitong magsaya, samantalang siya tila basang sisiw na walang mapuntahan. Nananakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil na umiyak sa harapan nito.

“Attorney, tapos na ba?” dinig niyang tanong ni Jacob sa abogado.

“Yes, Mr. Salazar. Ito na ang lahat ng mga gamit ng mga De Vera. Wala ng naiwan sa loob, kung meron man iyon ay mga lumang furnitures na lamang,” sagot ng abogado. Mas lalong napahigpit ang pagkakakuyom ni Reinna sa mga kamao niya sa narinig.

“Salamat, attorney,” pasalamat pang sabi ni Jacob dito. Nagawa pa talagang magsaya at magpasalamat ang sira ulong Jacob!

Parang nanlalamig ang buong katawan ni Reinna at sobra siyan nanginginig siya sa galit.

Sinamaan niya ng tingin si Jacob nang muli itong humarap sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang na kanina pa ito bumulagta sa lupa sa talim ng mga titig niya rito.

May kinuha ito sa bulsa ng suot nitong coat na sa tingin niya ay cheque. May sinulat doon ang lalaki at ipinatong sa ibabaw ng malaking carton sa tabi niya.

“Another one hundred thousand para sa pananahimik mo Reinna,” ani nito at binalingan ang mga tao nito. “Bantayan nyo nang maigi ang bahay na ito at huwag nyo hayaan na makapasok si Reinna sa loob. Kung ayaw nyong mawalan ng mga trabaho!”

Iyon lang at umalis na si Jacob sakay ng kotse nito. Nanghihina na napaupo na lang si Reinna sa gutter ng semento sa gilid.

Napahilamos siya ng mukha at tila hindi alam ang gagawin niya sa mga oras na ito. Ang malas naman niya. Problema nya ngayon ay kung saan siya tutuloy. Kung magho-hotel naman siya pansamantala, paano naman itong mga gamit ng mga magulang niya. Hindi naman pwede dalhin sa hotel ang mga ito at sobrang dami. Ayaw naman niyang ipamigay na lang din basta, lalo pa at hindi pa niya naayos ang mga ito.

“Ninang?”

Napaangat ng tingin si Reinna nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng ‘ninang.’

Tumambad sa paningin niya ang nag-aalalang gwapong mukha ni Z. Ang anak ng bestfriend niyang si Harlie at asawa nitong si Zion. Nag-iisang anak lang ng mga ito si Z at parehong inaanak nilang magkakaibigan na sina Julie at Liezl.

“Ninang, what happened? Bakit nasa labas itong mga gamit nyo?” takang tanong ni Z sa kanya.

Nag-squat pa ito ng upo sa harapan niya at tinitigan siyang mabuti.

“Anong ginagawa mo rito, Z? Bakit nandito ka?” tanong niya sa inaanak, imbes na sagutin ang tanong nito.

“Uhmn, may project kasi kami sa school and then one of my friends dito nakatira. Diyan lang sa kabilang bahay. Pauwe na rin sana ako, kaso nakita kita rito,” sagot ni Z.

Kiniskis ni Reinna ang mga palad niya na kanina pa nanlalamig. Sumasakit na rin ang lalamunan niya kanina pa sa kakapigil ng pag-iyak.

“Ayos lang po ba kayo, Ninang?” hinawakan ni Z ang kamay niyang nanlalamig.

“Parang namumutla kayo, Ninang. Sandali lang po,” ani Z at tumayo na. Sinundan ni Reinna ng tingin ang binata at nakita niyang nagtungo ito sa dalang kotse at may kinuha sa loob.

“Water, Ninang. Uminom po muna kayo ng tubig.”

Tinanggap naman ni Reinna ang binigay bottled water ni Z at uhaw na uhaw siyang uminom. Pagkatapos ay napabuntong hininga siya bago tumayo at nilapitan si Aling Stela.

“Aling Stela, may alam po ba kayong paupahan na apartment?”

“Ako, Ninang meron.”

Binalingan ni Reinna si Z na nasa tabi niya na naman.

“Talaga? Meron?”

“Yes, Ninang. Diyan lang po sa labasan nitong village, may nadaanan ako kaninang naka-apartment for rent. Mukhang bagong gawa pa ang apartment,” wika ni Z.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Patikim, Ninang   Chapter 6.

    Pag-alis ni Z ay napaupo si Reinna sa sofa. Napahilamos siya ng palad sa mukha niya. Tila ba pagod na pagod siya ngayong araw. Sino ba naman ang hindi mapapagod kung sobrang na-stress siya ngayon. Nilibot niya ang tingin sa apartment. Maliit lang ito pero maayos naman. Okay na ito kaysa sa malaking bahay na masasamang ugali naman ang nakatira gaya sa mansion ng mga Salazar. Napangiti siya nang mapakla. Parang gusto niyang uminom ngayon para makatulog siya agad, masakit ang ulo niya sa dami ng iniisip niya. Hindi naman kasi siya makapag-isip ngayon nang maayos. Kaya gusto niyang makalimot saglit. At sa tingin niya makakatulong ang alak ngayon sa magulo niyang pag-iisip. Z Napapangiti si Z habang nasa grocery store siya at pumipili ng mga bibilhin na pagkain. Kailangan ito ngayon ng Ninang Rei niya. Bumili na siya ng bigas at mga karne pati na rin ng mga gulay. Pati kaldero, plato, kutsara, sandok at iba pang gamit sa kusina ay bumili na rin siya. Nakita niya kasi kanina na wal

  • Patikim, Ninang   Chapter 5.

    Tinaasan ng kilay ni Reinna ang inaanak dahil mukhang alam na alam nito ang lugar. Bihira niya lang kasi ito makita dahil ang alam niya ay busy ito sa pag-aaral. Isa pa bihira lng din naman kasi kung magkita sila ng mga kaibigan niya at kasama itong si Z. Hindi na siya nakakapag-bonding ng mga ito simula nang mag-asawa na sila noon ni Jacob. Ingat na ingat kasi siya na hindi makagawa ng kahit isang mali lang dahil sa bantahera na ina ng ex-husband niya. Napalingon si Reinna sa mga gamit na naglalakihang carton. Problema niya ngayon ay ang sasakyan. Siguro mag-aarkila na lamang siya ng canter truck. Alangan naman kasi na tricycle, hindi naman kakasya ang mga gamit sa dami. “Aling Stela, pasuyo po muna ako sa inyo. Pakibantayan po muna saglit itong mga gamit at maghahanap lang po ako ng sasakyan na pwedeng maghakot nitong mga gamit. Titinginan ko rin po ang apartment na nakita ni Z,” aniya rito. “Naku, Ma’am, wala pong problema, ako po muna bahala rito,” sagot naman ng dating k

  • Patikim, Ninang   Chapter 4.

    Malapit na ang taxi na sinasakyan ni Reinna sa lumang bahay ng mga magulang niya nang matanaw niya ang ilang kalalakihan na nasa labas ng bahay. At hindi lang iyon, dahil nakuha ang atensyon niya sa ilang malalaking carton na nasa labas ng gate. “Manong, pakitabi lang po riyan,” ani Reinna sa taxi driver. Mabilis siyang kumuha ng pambayad sa pitaka niya at inaabot ito sa driver. Tinulungan din siya nitong maibaba ang dala niyang dalawang maleta na nasa compartment sa likod ng taxi. “Salamat po,” aniya. “Ma’am Reinna! Ma’am Reinna!” Napalingon si Reinna at nakita niya si Aling Stela na nagkukumahog na lumapit sa kanya. Umiiyak ito kaya nabahala siya. “Aling Stela, ano po nangyayari rito? Bakit may mga malalaking carton dito sa labas ng gate? Saka bakit po kayo umiiyak?” kunot noong tanong niya sa matanda. Ito ang caretaker ng bahay ng mga magulang niya at pinapasahod niya ito sa mula sa allowance na naipon niya na binibigay sa kanya ng biyenan niyang lalaki noong hindi pa

  • Patikim, Ninang   Chapter 3.

    Sa takot ni Reinna na baka nga totohanin ni Jacob ang banta nito ay mabilis siyang tumayo, kahit pa nanakit ng husto ang balakang niya dahil sa pagkabagsak sa sahig gawa ng pagtulak sa kanya ng lalaki. Pagtalikod niya ay agad na tumulo ang ilang butil ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Tahimik na tinahak niya ang hagdan paakyat habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi na niya ininda ang masakit na balakang at nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa makarating siya sa kwarto. Wala siyang sinayang na sandali at agad niyang kinuha ang dalawang malaking maleta saka iyon binuksan. Pumasok na rin siya sa walk-in-closet at kinuha ang sarili niyang mga gamit— mga gamit na kanya talaga at hindi binili ng sira ulo niyang asawa. Napalingon si Reinna nang bumukas ang pinto ng walk-in-closet at pumasok doon ang kasambahay na si Anna. Malungkot ang mukha na tumingin sa kanya ang dalagita at tila ba hindi sang-ayon sa pag-alis niya. “Tulungan ko na raw po kayo Ma’am Reinn sabi ni Sir Jacob.

  • Patikim, Ninang   Chapter 2.

    “This is ridiculous Jacob!” sigaw ni Reinna sa pagmumukha ng dati niyang asawa habang kaharap ito sa sala ng mansion ng mga Salazar. Ito ang naging reaksyon niya matapos niyang marinig ang sinabi ng attorney. Na lahat daw ng mga ari-arian ng mga magulang niya ay mapupunta lahat kay Jacob at sa kanya ni isa ay wala, kahit pa ba na pinaghirapan ito na ipundar ng mga magulang niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ng abogado Reinna o baka hindi mo naiintindihan at gusto mo isa-isahin ko pa sa iyo?” ani Jacob at sarkastikong tumawa. “Buhay pa lang ang ama mo Reinna ay lulong na siya sa utang sa pamilya ko, kay daddy. Pero dahil may share siya sa kumpanya at kaibigan ni dad ay hinayaan lang ito ng ama ko. Hanggang sa namatay na lang ang mga magulang mo ay hindi pa rin nila nagawang bayaran ang mga utang na iyon. Dahil iyon sa bisyo ng iyong ama, babae at sugal sa casino,” ani pa nito sa kanya. “At ngayong sinabi ng doctor na maliit na lang ang chansa na mabuhay si dad at hiwalay na ri

  • Patikim, Ninang   Chapter 1.

    “Finally, our marriage has been annulled after three years of waiting,” nakangising sabi ng ex-husband ni Reinna na si Jacob, matapos nitong ilapag sa mesa ang hawak na approved annulment ng kanilang kasal.Samantalang siya ay shock pa rin sa pangyayari kahit pa alam naman niyang matagal ng naka-process ang annulment nila ni Jacob. At habang pinoproseso ang annulment nila ay sapilitan siya nitong pinalayas sa bahay nilang mag-asawa, pero nagmatigas siya at pinaglaban pa rin ang karapatan niya. Kahit pa harap-harapan na siyang ginagago ng asawa niya kasama ang kabit nitong si Angela na akala mo isang anghel pero demonyeta pala. Idagdag pa ang biyenan niyang reyna ng mga demonyeta. Umpisa pa lang kasi na ipinagkasundo sila ng kasal ni Jacob ay tutol na sa kanya ang biyenan niyang babae na akala mo ito ang ikakasal. Tanging ang biyenan lang niyang lalaki ang tumanggap sa kanya sa pamilya ng mga ito. Pero sa kasamaang palad ay nasa ospital ito dahil na stroke. Tapos natumba pa ito at may

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status