"SIR ADRIAN, CONFIRM. MAY MGA DIAMONDS SA LOOB ng object na ito," sabi ni Brix habang nakatuon ang buong atensyon sa monitor at namamangha ang mukha. Mas malinaw nilang nakikita ngayon sa scanner ang nasa loob ng object. "Literal na tinatago niya ang mga diamonds na sinasabi ni Mr. Rodriguez sa collection niya," ani Jordan na hindi makapaniwala sa nakikita. Matamang nakatingin si Adrian sa monitor at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala na may ganoong bagay na pa-aari si Anthony. "Dalhin nyo ngayon sa isang alahera iyan, baka may machine sila na pwede matukoy kung totoong diamond ang nasa loob ng bagay na iyan," seryosong utos ni Adrian. "As soon as possible, kailangan maibalik ko rin iyan," dugtong pa nito. "Copy, Sir," halos sabay sa tugong ni Brix at Jordan. "I have to go, may iba pa akong aayusin," paalam niya at umalis na. Malaking palaisipan kung saan kinukuha ni Anthony ang ganoong bagay, at kung dumaan ba ito sa tamang proseso. Paniguradong lahat ng coll
Last Updated : 2025-12-15 Read more