PAGBABA NIYA SA DINNING AREA AY NAABUTAN NIYANG PINAPAKAIN NI OLGA SI KAEL. Nakabihis na rin siya at maya maya lamang ay papasok na din siya. "Good morning, sweetie," nakangiting bati ni Ceryna sa anak at hinalikan ito sa noo. "Ako na," sabi niya kay Olga at ibinaba ang bag sa ibabaw ng mahabang lamesa. "Ipahanda ko na po ba ang pagkain ninyo, Ma'am?" tanong nito at tumayo. Kinuha ni Ceryna mula kay Olga si Kael at inupo sa bakanteng upuan. "Black coffee lang, Olga," tugon niya at sinimulang subuan ang anak. Agad namang tumalima si Olga. "You're a big boy na, bakit kumakandong ka pa kay Ate Olga? Pinahihirapan mo siya ang bigat mo kaya," nakangiting tudyo niya sa anak at pinunasan ang pisnging nabahiran ng ketchup. Umiling iling lang ang bata habang nginunguya ang pagkain sa bibig. "Stay, Mommy," naglalambing na sabi ni Kael at hinawakan ang kamay ni Ceryna. Parang kinurot ang puso ni Ceryna nang titigan sa mga mata ang anak niya. "But I have a duty today," hinapl
Last Updated : 2025-11-15 Read more