"NATUTUWA ako at nagbago ang isip mo. At least kahit papaano ay magtatagal kang kasama namen dito," hindi maikakaila ang kasiyahan sa mga mata ni Claire. Napatingin si Adrian kay Ricardo. "Pansamantala sa office ko muna siya magtatrabaho," wika ni Ricardo. Tumango tango si Claire at hinimas ang balikat ni Adrian. "Good choice, anak," nakangiting saad nito. "Sandali lang at ichecheck ko ang niluluto ng kusinera para makakain na tayo." "Mabuti at nagbago ang isip mo," mahinang sabi ni Ricardo sa pag-iiwas na hindi marinig ni Claire ang pag-uusap nila. "May gusto akong malaman, 'Pa," seryosong tugon ni Adrian. "Tungkol saan?" curious na tanong ni Ricardo. "Tungkol sa asawa ni Anthony at kay Anthony mismo," nagtagis ang mga bagang ni Adrian. Napakunot ang noo ni Ricardo. "Bakit? May kinalaman ba sila sa mga natatanggap na death threats ng Daddy mo?" tila nakuhang mag-isip ng malalim ni Ricardo. Umiling si Adrian at tumingin kay Ricardo. "For my personal reason, 'Pa
Last Updated : 2025-11-06 Read more