KINUHA NI ADRIAN mula kay Mitch ang nakatulog na si Kael. "Thank you, Sir Adrian," saad ni Mitch bago bumaba ng sasakyan niya. Nagpababa lang si Mitch sa entrance ng subdivision kung saan ito nakatira at mula sa entrance ay sasakay na lamang daw ito ng tricycle. Kulang isang oras din nila binaybay ang daan sa lugar na tinitirhan ng dalaga. "Irerequest ko kay Papa na ipagamit muna sa iyo 'yung big bike para may service ka," sabi ni Adrian. "Naku, Sir! Huwag na po! Nakakahiya," nahihiyang tanggi ni Mitch. Pumalatak si Adrian. "Para hindi na ako naoobliga na ihatid ka. Ang layo ng bahay ninyo," seryosong saad ni Adrian. "Tatawagan ko si Papa pagkauwi at doon ka sa office dumeretso bukas," pinal na desisyon niya. Napakamot ng ulo si Mitch. "Thank you, Sir. Ingat po kayo pauwi," walang nagawang tugon na lamang ni Mitch at sinarado ang pinto ng sasakyan. Natanaw pa ni Adrian si Mitch na tumawag ng tricycle sa terminal ng subdivision hanggang sa makasakay ito papasok sa
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-11 อ่านเพิ่มเติม