"BAKIT UMALIS KA sa mansion?" tanong ni Ricardo nang nasa loob na sila ng opisina nito. Simula ng paghaharap nilang tatlo ay ngayon na lamang ulit sila nagkita. "May inayos lang ako, 'Pa. Hindi naman totoo ang death threats, hindi na kailangan ni Daddy ng bodyguard," tugon niya. Relax na relax si Adrian habang nakaupo sa sofa. "Nagreport sa akin si Brix at Jordan, nagpapaabiso sila na isang linggo na lamang iyong walong kasamahan nila," tinukod ni Ricardo ang kamay sa lamesa. Tumango si Adrian. "Inutos ko iyon. Si Brix at Jordan lamang ang matitira. Kailangan mo na ulit mag-assign ng security officer sa subdivision," relax na sumandal si Adrian. Tiningnan siya ni Ricardo na tila binabasa kung ano ang nasa isip niya. "Are you planning of something without my knowledge?" hindi na nakatiis nitong tanong. Napamaang si Adrian. "What are you talking, 'Pa?" "Adrian, papaalalahanan lang kita, huwag na huwag kang gagawa ng aksyon na labag sa batas," seryosong nakatitig si Ri
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-22 อ่านเพิ่มเติม