MALAYO PA LAMANG si Adrian ay tanaw na niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ceryna habang kausap si Claire. Nakikita na niya mula sa malayo kung ano ang sinasabi ni Claire kay Ceryna. At tila hindi komportable si Ceryna sa mga oras na iyon. "Adrian, you're here," tinig ni Ricardo iyon. Halos sabay pang napalingon si Claire at Ceryna sa kanya. Ang mga nandoon sa table ay halos sa kanya napatingin. Nakita niyang tumayo si Gilbert habang si Anthony ay tila nag-iba ang mood. Tumayo si Claire at humalik kay Adrian. Nahagip ni Adrian na umiwas ng tingin sa kanya si Ceryna at humarap kay Anthony na kunwari ay abala sa pakikipag-usap. "What are you wearing?" tila dismayadong tanong ni Claire sa binata. "I'm not comfortable with suits but at least I bring my coat," nakangiting tugon ni Adrian at bahagyang pinagpag ang kwelyo ng coat na suot. Napapailing na lamang si Claire at binalingan si Ricardo. Nagkibit balikat lamang ito. Lumapit si Gilbert sa kanila at bah
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-02 อ่านเพิ่มเติม