Natapos ang klase at wala pa rin tigil ang tingin ng mga estudyante sa ‘kin. May mga nagbubulungan kapag nakita ako, may mga biglang natatahimik kapag napapalingon ako, at ang ilan pa ay kunwaring abala sa cellphone kahit obvious naman na curious sa mukha ko. Nakakapagtaka lang at hindi pa ako pinapatawag sa office. Ganoon ba kataas ang tiwala nila kay Easton para hindi bigyan pansin ito?Tahimik kaming apat habang naglalakad papuntang cafeteria. Medyo nauuna si Krisha at Trisha sa ‘kin, habang si Drake naman ay sumasabay sa bilis ko. Walang nagbago sa turing nila sa ‘kin at kung tutuusin, sinasama pa rin nila ako sa kanilang usapan kahit pansin nila ang pagkabalisa ko.“Guys,” mahina kong tawag, dahilan para sabay-sabay silang tumigil at humarap sa ’kin.Huminga ako nang malalim. “May sasabihin sana ako sa inyo.”“Uy,” sabi ni Trisha sa malambing na tono. “Okay ka lang ba?”Tumango ako kahit hindi totoo. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, kaya itinago ko ang mga ’yon sa buls
Last Updated : 2026-02-06 Read more