“Sobrang saya ko, anak. Hindi ko aakalaing dadating ang ganitong araw na makakapag-mall tayo at wala akong iniisip.” Ngumiti si Mama habang mahigpit na hawak ang braso ko, parang takot na baka bigla akong maglaho kapag binitiwan niya. Nakasunod lang ang dalawang bodyguard namin sa likod na bitbit ang mga pinamili namin. Pinagmasdan ko ang mukha ni Mama at kitang kita ang gaan ng kaniyang kilos—‘yong klase ng gaan na matagal ko nang hindi nakikita.“Deserve mo ‘to, Ma,” sagot ko, pilit na pinapasigla ang tono ng aking boses. “Tagal mo ring hindi nagpapahinga.”Simula no’ng pinagkasunduan si Easton at Arissa, hindi na masyadong namoblema si Mama sa kumpanya. Maski si Grandpa ay may plano nang bumalik ulit ng probinsya dahil nami-miss na raw niya si Grandma. Sa kabila ng lahat, masaya ako para sa kanila dahil hindi na nila kailangang magpakapagod. “Hindi lang ito pahinga, Eloisa.” Nakangiting saad ni Mama habang papasok kami sa isang boutique na matagal nang gusto ni Mama. “Pakiramdam
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-25 อ่านเพิ่มเติม