“Pwedeng-pwede naman, Eloisa. Pwedeng-pwede rin kitang pakasalan ngayon din.”Kiniliti ako no’ng dalawa sa tagiliran kaya para akong uod na binuhusan ng asin dahil malakas ang kiliti ko.“Hoy, anuba!” Pilit kong umiwas sa dalawa kahit pa nanghihina na ang katawan ko. Tawa ako ng tawa hanggang sa may mga mamumuo nang luha sa mga mata ko. Nanlalabo na tuloy ang paningin ko, kung hindi lang ako naiipit nitong dalawa siguro ay nahulog na ako sa sahig.“Tama na, please!” Hindi ko alam kung kiliti pa ba nararamdaman ko o sakit. “‘Di ko na kaya.”Tumigil naman sila at patawa-tawa. “Sorry! Minsan na lang kiligin, sa ibang tao pa talaga. Hay, Krisha, when kaya ang atin?” “Hindi ko priority ‘yan, bakla. Pero sigurado akong makakahanap ka rin ng para sa ‘yo,” sagot naman ni Krisha. Inakbayan ni Krisha si Trisha kahit mas matangkad ang isa sa kaniya. “Alam mo para hindi tayo makaistorbo, bumili na lang tayo ng turon para sa ‘ting lahat.”“Ha? Mamaya na—aray!” Nakita ko ang pa-simpleng pagsiko ni
Last Updated : 2026-01-03 Read more