(Lia’s POV)Hindi siya nakatulog buong gabi. Kahit anong pilit niya, bumabalik sa isip niya ang bawat galaw, bawat titig, bawat halik sa ilalim ng ulan. At higit sa lahat, ang mga salitang binitawan ni Rafael—“It’s not a mistake. It’s the timing that is.”Hanggang ngayon, dinig pa rin niya ang boses niya sa isip. At kahit alam niyang mali, hindi niya mapigilan ang sarili na hintayin ang susunod.Kinabukasan, halos tatlong beses niyang binasa ang email.“The CEO requests your presence… strictly confidential.”Hindi niya alam kung ano ang mas nakakatakot — ang posibilidad na mapagalitan siya, o ang posibilidad na muling makita ito nang sila lang. Pero nang sumapit ang alas-sais, naroon na siya.Ang Ilustre Tower ay parang simbolo ni Rafael mismo — matayog, malamig, imposibleng lapitan. Pagpasok niya sa boardroom, walang ibang tao kundi siya. Tahimik. Masyadong tahimik.Tanging ang ilaw mula sa malaking glass window ang nagbibigay liwanag, at sa gitna ng dilim, naroon si Rafael —
Terakhir Diperbarui : 2025-11-04 Baca selengkapnya