ATASHA Noong hapon din na iyon ay nakatanggap ako ng sulat. Isang subpoena kung kaya't binasa ko kaagad iyon. Nabuksan ulit ang kaso sa pagkamatay ni daddy. Hindi ako makapaniwala. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Nilapitan ako ni mommy at tinignan ang sulat. “Anak, ano ito?” “Subpoena, pinapatawag ako sa korte para sa re-opening ng case ni daddy…” “Bakit? nag request ka ba? akala ko ba ay namatay sa aksidente si Anton?” tanong ni mommy. “Ma, hindi…. pinatay siya.” Nagimbal si mommy sa sinabi ko. “Ano? E paanong nabuksan ulit ang kaso? nagfile ka ba ng reopening nito?” “Hindi po Ma, pero mukhang kilala ko na kung sino ang may gawa nito. Magbibihis lang ako, kailangan kong asikasuhin ito.” “Sige, mag-iingat ka, Anak. Pwede kitang pasamahan kay Terrence.” “Hindi na po Ma, makakaabala lang ako kay Terrence, ako ng bahala dito.” saad ko na niyakap si mommy bago umalis. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko. Naligo at nagbihis. Damn it, Adonis! Bakit kailangan mong u
Last Updated : 2026-01-12 Read more