ADONIS Nang makabalik kami sa Mansyon ay nakita namin si Adam na hawak ang isang toy gun. “Tapos na kayo mag-usap, daddy?” “Yes.” “Mommy, can we stay? I want to live with daddy!” “Of course you can, Kiddo. This is your house too.” saad ko ngunit mabilis si Atasha. “No! uhm, I mean… hindi pa kasi okay ang lahat sa amin ni daddy, Adam kaya hindi tayo pwedeng tumira dito, Anak.” “But… maraming toys dito mommy and may crossfire din! katulad nung nilalaro ko sa Hotel! I like it! this place is so cool!” “Adam… pupunta ka naman dito pag weekends, kagaya ngayon pero kapag weekdays na babalik ka sa akin kasi may pasok ka pa sa school.” “But mommy, I want to stay with daddy, gusto ko palagi, hindi ba pwedeng hindi ko lang siya weekends kasama?” “Alam mo kasi anak… ano kasi eh–” “Bakit yung ibang mommy at saka daddy ng mga classmates ko magkasama sila? bakit kayo ni daddy magkaiba ng house? diba pag mag-asawa magkasama sa isang house lang? bakit ang dami nating house, mommy?”
Last Updated : 2026-01-14 Read more