Ang mga mata ni Lorie ay nagliliyab sa galit habang pinapanood ang press conference na nagaganap sa kanyang harapan. Sa bawat sagot ni Amor at Jason, sa bawat pagdepensa nila, lalo lamang tumitindi ang init ng kanyang nararamdaman. Hindi niya matanggap na, sa harap ng buong mundo, ang mga Curry ay nagmumulat ng mga kasinungalingan upang pagtakpan ang kanilang mga krimen."Ang kakapal ng mukha, nagawa pa nila magsinungaling," ang suminghal na pahayag ni Dante, ang kanyang boses ay puno ng poot na tila umaabot sa bawat sulok ng kwarto. Ang mga mata ni Dante, na madalas ay matatag at kalmado, ngayon ay nagsisilibing apoy, puno ng galit na hindi niya kayang pigilan. Naghuhumindig ang galit sa kanyang katawan, na ang bawat pangungusap na lumalabas sa kanyang bibig ay tulad ng mga pangil na tumutusok sa puso ng mga Curry."Kaya nga po, tito, gusto nila baliktarin ang buong katotohanan," ang sagot ni Lorie, ang tinig ay naglalaman ng matinding hinagpis at pasakit. Walang makakapigil sa kanya
Terakhir Diperbarui : 2026-01-23 Baca selengkapnya