Maagang umaga.Ang liwanag ng araw ay dahan‑dahang pumapasok sa honeymoon suite, pero imbes na saya at pag-ibig, isang mabigat na katahimikan ang bumabalot sa silid.Nakaupo si Necy sa harap ng salamin, hawak ang concealer, pinipiling takpan ang marka ng kagabi. Hindi ito marka ng pag-ibig—kundi marka ng isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kabaliwan.“Babe,” reklamo niya habang iniikot ang leeg sa salamin, “bakit mo naman ako tinadtad ng—” napahinto siya at napabuntong-hininga. “Hay naku, tingnan mo ginawa mo. Halos buong leeg ko kailangan kong takpan.”Si Jason, na bagong gising at parang walang mabigat na konsensiya, ay ngumisi.“Ako din, ha. Patas lang tayo.”Lumapit siya kay Necy at marahang tinakpan ang bibig nito.“Shhh. Huwag ka maingay.”Tumingin siya sa direksiyon ng sofa.Doon, nakahiga si Lorie — walang malay, payapa ang mukha, parang anghel na walang ideya sa impiyernong kinatatayuan niya.“Buti na lang super effective ‘yung gamot na binili mo,” bulong ni Jason. “
Terakhir Diperbarui : 2025-11-22 Baca selengkapnya