Mainit ang araw, pero malamig ang hangin pagkalabas nina Lorie at Necy mula sa sasakyan. Tahimik ang harapan ng Silver Steps Rehabilitation Center, malinis, modern, at may halimuyak ng eucalyptus mula sa mga halaman sa pasilyo.Hawak ni Lorie ang blind stick.Sa bawat galaw niya, bawat hakbang, perpekto siyang umaarte—eksaktong eksena ng isang babaeng bulag na pilit nagpapatatag ng loob.“Last session mo na ‘to, ha,” sabi ni Necy, kunwari malambing, pero may kalkuladong pagtingin sa bawat galaw ni Lorie. “After nito, baka pwede ka nang masanay nang hindi kita binabantayan.”Ngumiti si Lorie. Maliit. Pino. Walang emosyon.“Thank you, Necy,” sagot niya.May lambing sa boses, ngunit malamig ang loob.Hindi mo ako binabantayan, Necy. Binabakuran mo ako.Pagpasok nila sa lobby, sinalubong sila ng malamig na aircon at tahimik na ambience. Walang masyadong tao, bukod sa ilang therapists na busy sa pagpirma ng charts.Lumapit ang senior staff.“Ma’am, si patient lang po ulit ang puwedeng puma
Terakhir Diperbarui : 2025-12-04 Baca selengkapnya