RAZE’S POINT OF VIEW Makalipas ang mahigit dalawang buwan na pananatili sa ospital, ay pinayagan na rin akong umuwi. At ngayon ay kasalukuyan akong nasa balcony, lumalanghap ng preskong hangin. Nakasandal ako sa upuan habang hawak ang isang baso ng tubig. Hindi na ako pinapayagan ng doktor na uminom ng kahit anong alak, kaya tubig na lang muna ang kaibigan ko ngayon. Sa tabi ko ay tahimik na nakaupo si Eleazar. Pareho kaming nakatanaw sa ibaba. Kung saan naroon sina Mommy, Zayla at si Arielle. Nasa gitna sila ng maliit na garden habang pinuputol ni Mama ang ilang bulaklak. Sa tabi niya ay masayang tumatalon si Zayla, hawak ang maliit na basket, habang si Arielle naman ay nakatayo sa isang tabi, ang parehong kamay ay nasa bewang.. at nakangiti habang pinagmamasdan ang mag-lola sa harapan niya. Sobrang laki na ng t'yan niya, parang kahit anong oras ay puputok na iyon sa sobrang laki. “Ang ingay ng anak mo,” sabi ko bigla. Hindi ko man siya tingnan, alam kong napaling
Read more